Isang apo ang nag-video ng kanilang sayaw ng kaniyang lolang may sakit na talaga namang pinusuan ng maraming mga netizens!

Tayong mga Pilipino, lumaki tayo nang talagang malapit sa ating mga lolo at lola. Kung kaya naman ganoon na lamang tayo kalambot at kasentimental pagdating sa ating mga minamahal na lolo at lola.

Marami din sa atin ang lumaki sa kanila dahil abala rin ang ating mga magulang sa pagtatrabaho. Kamakailan lamang ay umantig sa puso ng publiko ang kwentong ito ng 23 taong gulang na si Ploy Theerada Mokkhasak.

Mahal na mahal niya ang kaniyang lola at talagang kahit abala ito sa trabaho ay hindi siya nawawalan ng oras upang ito ay mabisita at kamustahin. Madalas ay sinasayawan niya rin ito upang mas maging masaya ang kaniyang lola.

79 taong gulang na ang nanau ni Ploy na si Sumlee. Nakahiga na lamang ito sa kaniyang kama at hindi na makatayo o makalakad pa. Kailangan na din niya ng oxygen respirator para makahinga.

Kahit pa nga hirap nang kumilos ang kaniyang lola ay talagang sumasayaw pa rin ito sa pamamagitan ng pagtataas ng kaniyang mga kamay at pagsabay sa tugtog. Talagang ipinapakita ni Ploy ang maganda niyang ngiti at ang kaniyang kasiyahan na makasama ang kaniyang lola.


Ang video na ito ay ibinahagi din naman ni Ploy online at talagang kinagiliwan ng maraming mga netizens. Labis din silang natuwa sa ginawang ito ni Ploy dahil sa pagmamahal niya sa kaniyang lola.

“Every time I go home I have to dance for my granny. Sometimes she opens her eyes and watches. Sometimes she dances as well with me”, pahayag ni Ploy.

“My gran has looked after me since I was young and we are really close to each other. She really loves music. Now she’s getting really old and I want to make her happy, so I always dance for her”, dagdag pa ni Ploy.

Tunay ngang napakasarap nang may nagmamahal at nagmamalasakit sa iyo lalo na kung iyong kapamilya o kamag-anak hindi ba?