Isang anak, labis ang pasasalamat sa kaniyang ama na mayroong kakaibang kondisyon ngunit nagawa pa ring suportahan at palakihin siya ng maayos!

Madalas na hinuhusgahan at minamaliit ang mga taong kakaiba sa ating paningin. Lalo na sa panahon natin ngayon na tila ba napakadali na lamang sa publiko ang manghusga ng mga taong hindi naman talaga nila kilala ng husto.

Kamakailan lamang ay umantig sa puso ng marami ang kwentong ito ng isang anak na proud na proud sa kaniyang ama na mayroong kakaibang kondisyon. Mayroong sakit na Down Syndrome ang ama ng 21 taong gulang na dentistry student na si Sader Issa kahit noon pa mang siya ay isinilang.

Marami daw talagang mga tao ang nag-aakala na kapag ang isang tao ay mayroong ganitong genetic disorder ay magiging napakahirap na sa kanila ng maraming mga bagay. Hindi raw magiging madali para sa kanila ang mabibigat na responsibilidad tulad na lamang ng pagiging isang magulang.

Ngunit para kay Issa, iba ang kaniyang personal na karanasan bilang anak ng kaniyang ama na mayroong Down Syndrome. Bata pa lamang siya ay talagang nagagawa ng kaniyang ama na suportahan siya sa lahat ng aspeto ng kaniyang buhay.

“During my studies, he was the biggest supporter, economically, psychologically and in all respects and thanks to his support,” Pahayag ni Issa.

Ang kaniyang ama ay isang mapagmahal na indibidwal hindi lamang sa kanilang pamilya kundi sa buong komunidad nila. Hindi na nakapagtataka na marami talaga ang rumerespeto sa kaniya.

Dahil sa pambihirang katangian at pagsusumikap ng kaniyang ama ay talaga namang nakita niya kung paano ito nagsumikap sa buhay sa kabila ng kaniyang kondisyon. Dahil dito ay talaga namang proud na proud si Issa.

“When you see a person, perceived by the community as vulnerable person or a person who is dependent on the community working hard and trying to do everything to secure everything I need as a small kid, this will, of course, push me to do all I can to be the best person,” Pahayag ni Issa.

Hindi lamang proud si Issa dahil labis din ang kaniyang pasasalamat para sa mga sakripisyo ng kaniyang ama para sa kanilang pamilya.