Isang ama sa Hong Kong nagbayad ng $4,250 para sa isang malaking Teletubby sculpture na nasira ng kaniyang anak sa isang mall!

Ang Teletubbies ay isa sa pinakasikat na palabas noong 1997 hanggang 2001. Talagang marami ang tumangkilik ng programa o children’s show na ito.

Maraming taon man ang lumipas ay marami pa ring mga tao ang talagang nahihilig sa pagbili ng mga Teletubbies merchandise sa iba’t-ibang panig ng mundo. Ngunit ang isang masayang ayaw para sa mag-ama na ito ay tila naging bangungot nang minsang magtungo sila sa Langham Palace shopping mall.

Kinailangan kasing bayaran ng isang ama ang 5’9″ na estatwa ni “Laa-Laa The Teletubby” nang aksidenteng masandalan ito ng kaniyang anak at mabasag. Labis na nagalit ang mga staff ng naturang establisyemento sa nangyari.

Dahil dito ay walang nagawa ang kaniyang ama kundi bayaran ang nasira ng kaniyang anak. Nang subukan nilang suriin ang CCTV ay nalaman nilang hindi pala talaga sinasadya ng bata ang insidente.

Kung kaya naman nagdesisyon ang staff na bigyan na lamang ng diskwento ang lalaki. Mula sa US$6,725 ay naging US$4,250 na lamang ang kaniyang binayaran o mahigit 222,000 pesos!
Ayon din naman sa ama, labis na nagulat ang kaniyang anak sa pangyayari. Kinailangan din daw ng kaniyang anak na lumiban sa eskwela dahil sa pagkabigla nito.

Tinanong din siya ng kaniyang anak kung bakit daw nakakatakot ang hitsura ng naturang estatwa. Hindi naman dapat magagalit ang ama na si Mr. Chen ngunit napansin kasi nito kung gaano makitungo sa kanila ang mga staff.

Lalo na at nakita naman nila kung ano talaga ang nangyari sa mismong CCTV. Sa ngayon ay nais na makatanggap ng refund ni Mr. Chen lalo na at batid niyang hindi naman sila ang may kasalanan sa nangyari.

Dapat daw ay mas naging maingat din ang mga staff na naroroon upang hindi nangyari ang insidenteng ito. Halo-halo din naman ang naging reaksyon ng mga netizens ukol dito.

Mayroong iilan ang nagbahagi ng kanilang pagsang-ayon sa mag-ama habang ang iba naman ay nakikisimpatya sa may-ari ng naturang shop.