Isang ama na handang magtrabaho ng 24 oras para lamang sa pambili ng cake ng kaniyang anak na magdiriwang ng kaarawan, inulan ng biyaya mula sa publiko!

Madalas na nating naririnig ang kasabihan na kayang kayang tiisin ng anak ang mga magulang niya ngunit hindi kailanman matitiis ng mga magulang ang kaniyang mga anak. Ito marahil ang damdamin ng isang ama na talagang naglakas loob na mag-post online na naghahanap siya ng trabaho – kahit anong klaseng trabaho basta’t marangal – para sa kaniyang anak.

Kaarawan na daw kasi ng kaniyang anak kinabukasan kung kaya naman nais niya itong bilhan ng cake.
“Baka po may ipapautos or ipapabili kayo riyan pa-service. Birthday kasi ng anak ko bukas need ko lang makaipon ng pambili ng cake niya. PM n’yo po ako agad. Available po ako ngayon, 24 hours. Salamat po,” post ng ama.

Makalipas lamang ang ilang oras ay talagang napakaraming mga netizens na ang nagkomento na sila na ang sasagot sa ilang handa ng kaniyang anak. Hindi lamang libreng cake, pizza, chicken wings, kundi marami pang iba.

Mayroon pa ngang isang entreprenyur na nagbigay ng sorpresa sa kaniyang anak na munting dekorasyon sa likuran ng sasakyan kung saan makikita ang pagbati para sa kaniyang kaarawan. Talagang na-touch ang maraming mga netizens kung paanong sa gitna ng pandemya ay marami pa rin sa ating mga Pilipino ang nagawang magbigay sa mag-ama sa pinakasimpleng bagay na kaya nila.

Wala ito sa laki ng halaga, o laki ng cake, o sa dami ng pagkain na kanilang ibinigay kundi ang pagtutulungan at pagbabayanihan ng bawat isa. Ang sarap sa pakiramdam na marami ang tumulong sa isang ama na wala namang ibang gusto kundi ang munting sopresa para sa kaniyang anak na isang birthday cake.

Ngunit dahil na rin sa kaniyang pagsusumikap at sa kaniyang pagmamahal ay higit pa rito ang kanilang natanggap. Sana ay mas marami pang mga tao ang makatulong sa mga taong talagang nangangailangan.

Mga tao na kayang kumayod at magtrabaho ng husto nang hindi lamang umasa sa kanilang kapwa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *