Isang ama ang nag-donate ng pitong vital organs ng kaniyang anak na nasawi at maraming pasyente ang kanilang natulungan!

Kailanman ay hindi na mapapalitan ng kahit sino man, ang ating mahal sa buhay na pumanaw na. Napakasakit at napakahirap ngunit wala rin naman tayong ibang magagawa kundi ang masanay na lamang at mamuhay ng mayroong tila kulang sa ating buhay.

Sabi nga ng ilang nakaranas nang mawalan ng minamahal, kailanman ay hindi na sila makakamove-on pa sa pangungulila at sakit ng ganitong karanasan. Masasanay na lamang silang magpatuloy ng buhay kahit na mayroon pa rin silang sakit at pangungulila na nararamdaman.

Marahil labis labis ang sakit at bigat na nararamdaman ng isang ama na ito matapos tuluyang mawala sa kaniya ang kaniyang batang anak. Ang ama na si Huang Qin ay nagdesisyon na i-donate na lamang ang mga organs ng kaniyang siyam na taong gulang na anak na si Tong Tong bago ito tuluyang mamaalam dahil sa natamo niyang pinsala sa kanilang eskwelahan.

Nangyari ito sa paaralan nila nang minsang mabangga ng kaniyang kaklase si Tong Tong at tumama ang ulo nito sa pader. Agad siyang nawalan ng malay. Dinala naman siya sa clinic ng kanilang paaralan hanggang sa muli siyang magkamalay.

Tumawag din ang guro sa ama niyang si Huang Qin upang sabihin ang nangyari. Kalaunan ay nalaman na lamang ng pamilya ni Tong Tong na mayroon palang hugis itlog na bukol sa bandang itaas na bahagi ng tenga nito.
Hindi na ito maaari pang operahan ng mga doktor dahil sobrang delikado ito. Kung kaya naman makalipas lamang ang siyam na araw ay nagkaroon na ng “brain damage” ang bata.

Dahil sa pagnanais ng ama na mailigtas pa ang anak ay sinunod niya ang payo ng isa sa kanilang kaanak na i-donate na lamang ang ilang mga organ ni Tong Tong upang manatili pa ring buhay ang bata sa katauhan ng ibang tao. Nanlulumo man ngunit pinirmahan at inayos na ng ama ni Tong Tong ang lahat upang maipamahagi ang mga organs ng kaniyang anak.

Ilan sa mga organs na ito ay ang kaniyang corneas, puso, bato o kidneys, at atay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *