Isang alagang pusa ang matapang na nilabanan ang ahas na ito na muntik nang kumitil sa buhay ng dalawang batang paslit kahit pa buhay nito ang kapalit!

Para sa maraming mga Pilipino na mayroong alagang hayop, tiyak na hindi lamang basta isang hayop o isang alaga ang turing nila sa mga ito. Bagkus ay itinuturing nila itong bahagi na ng kanilang pamilya.

Hindi na nga nakapagtataka na palagi tayong nakakakita ng mga pusa o aso sa loob ng mga mall na akala mo bang mga maliliit na bata dahil mayroon pang mga diaper o di kaya naman ay nakasakay pa sa mga strollers. Talaga namang alagang-alaga ng kanilang mga amo.

Tulad na lamang halimbawa ng isang pusa na ito na alaga ng isang pamilya. Siya ay ang pusang si Arthur. Mahal na mahal siya ng kaniyang pamilya kahit pa nga madalas ay makulit ito.

Isang araw, habang naglalaro ang dalawang paslit na anak ng kaniyang mga amo ay bigla na lamang may isang makamandag na ahas na nakapasok sa kanilang bakuran. Ito ay isang Eastern Brown Snake, isa sa top 10 na pinakamakamandag na ahas sa Australia.

Nailigtas naman ni Arthur ang dalawang paslit matapos niyang kalabanin ang naturang ahas. Ngunit ang hindi alam ng kaniyang pamilya ay natuklaw na rin pala siya ng ahas na ito nang sila ay maglaban.

Ilang beses din na nag-collapse ang kawawang si Arthur hanggang sa dinala na nila ito sa ospital. Nalaman nilang malala na pala ang tuklaw ng ahas dito kung kaya naman wala na rin silang nagawa kundi ang mamaalam na sa kanilang alaga.


Tunay ngang nalungkot ang pamilya sa hindi inaasahang pagpanaw ng kanilang alagang pusa ngunit laking pasasalamat din nila dahil sa ginawa nitong pagliligtas at pagtatanggol sa mga bata. Bagamat hindi nakapagsasalita ang mga alaga nating hayop, tiyak na tapat at totoo ang pagmamahal nila sa atin bilang kanilang tagapag-alaga at kapamilya.

Kung kaya naman para sa marami sa atin na kapiling pa ang mga minamahal nating alaga, huwag nating hayaan na lumipas ang panahon na nasasayang lamang ang mga ganitong klase ng pagmamahal mula sa ating mga alagang hayop.