Isang alagang aso na apat na taon nang nawawala, muling natagpuan ng kaniyang mga amo sa tulong ng social media!

Sa panahon natin ngayon, marami na sa atin ang talagang nahihilig sa iba’t-ibang uri ng hobby o libangan. Ito ay upang kahit papaano ay mabawasan ang stress na nararanasan natin sa araw-araw hindi lamang sa ating personal na buhay kundi lalo na sa ating mga trabaho.

Maliban sa pagkakaroon ng maraming hobbies o libangan ay marami din sa atin ang nag-aalaga ng mga hayop o mga pets. Ilan sa mga tipikal na hayop na inaalagaan natin sa ngayon ay pusa, aso, ibon, isda, hamster, rabbit, at marami pang iba.

Mayroon din namang iilan na nahihilig sa mga exotic na uri ng mga pet. Tunay nga na nakakatanggal talaga ng stress ang pag-aalaga sa mga hayop na ito.

Nagkakaroon din tayo ng pagkakataon na makipag-bonding sa kanila at bumuo ng mga masasayang alaala. Ngunit sa oras na mawala sila o mawalay sa atin ay talaga namang nakakaranas tayo ng matinding kalungkutan.

Tulad na lamang ng isang pamilyang ito na halos apat na taon ding hinanap ang kanilang alagang aso na si Bonbon. Taong 2015 daw nang mawala sa kanila ang alaga nilang aso ayon sa amo nitong si Noi Sittisam.

Nasa sasakyan sila noon ng kaniyang asawa upang dalawin sana ang kanilang anak na si Khon Kaen. Ngunit nagulat na lamang sila nang biglang nawala ang kanilang aso sa loob ng kanilang sasakyan.

Hinala nila ay tumalon ito sa bintanang nakabukas nang hindi nila namamalayan. Hinanap pa rin nila at hindi sila sumuko makita lamang ang kanilang aso na itinuring na rin nilang bahagi ng kanilang pamilya.

Samantala, mayroon naman isang babaeng nakilala bilang si Saowalak na nakakita sa isang kawawang aso na tila ba mayroong hinihintay sa gilid ng daan. Payat na payat ito kung kaya naman binigyan niya ng pagkain na kaniyang dala-dala. Ibinahagi niya ito sa social media kung saan naman nalaman ng mga amo ni Bonbon na siya pala ay nasa isang lugar at palaging doon ay naghihintay sa muli nilang pagbabalik.

Sa wakas ay muli nilang natagpuan si Bonbon makalipas ang apat na taon dahil na rin sa social media at sa tulong si Saowalak.