Isang 80 taong gulang na matandang lalaki mula sa Davao City ang hindi pinayagang makapasok sa isang car showroom dahil sa kaniyang kasuotan!

Maraming mga netizens ang nagulat sa balitang ito kung saan isang retired associate professor mula sa Unibersidad ng Pilipinas ang hindi pinayagang makapasok sa isang car showroom dahil sa kaniyang lumang kasuotan. Kapansin-pansin kasi talaga ang lumang damit nito at ang marumi niyang face mask.

Buti na lamang at mayroong iba pang car showroom kung saan malugod siyang tinanggap ng mga agents na naroroon. Ibinahagi sa social media ng auto sales executive na si Love Alejandria-Dorego ang naging karanasan ng matandang lalaki na ito na talagang hindi pinapasok sa isang car showroom sa Lanang, Davao City dahil lamang sa kaniyang panlabas na anyo.

“Tatay Manuel went to another Showroom before ours, however, he said he wasn’t allowed to get in, maybe because of his outward appearance, wearing very old and stained clothes, dilapidated and holed shoes, and a dirty mask.” sales executive, Love Dorego said. “He walked into our Showroom at Lanang, but we didn’t hesitate to let him in and entertained him, asking what unit he wants to inquire about. He said he wants to buy a unit.” Pahayag niya.

Tunay nga na marami ang naantig sa kwento na ito ni Tatay Manuel na nakaranas ng panghuhusga mula sa ibang tao. Sinong mag-aakala na may plano pala talaga siyang bumili ng isang unit kung kaya naman gusto niya talagang makita ang ilang mga car showroom?

Buti na lamang at trinato siya ng maayos sa Suzuki showroom kung saan niya napagdesisyunan na bumili ng Suzuki S-presso na sasakyan. Ang halaga nito ay Php593,000 na binayaran niya ng cash kinabukasan dahil hindi na siya nagdala pa ng pera dahil sa natatakot siyang magdala ng cash habang nakasakay siya sa dyip at bus.

Patunay lamang ito ng kasabihan na “Don’t judge a book by its cover”, dahil talagang may mga taong ayaw lang magbihis at gumayak ng maganda sa kabila ng kanilang tunay na estado sa buhay.