Isang 70-anyos na groom ang kinasal sa kauna-unahang pagkakataon sa 20-anyos na dalaga na ubod ng ganda!

Marahil hindi na bago sa maraming mga Pilipino ang mga katagang “Age is just a number.” Noon pa man ay marami na tayong nababalitaan at nasasaksihang relasyon ng dalawang taong mayroong malaking agwat sa kanilang edad.

Tipikal na ang mga sikat na artista at personalidad sa showbiz. Sa kabila ng malaking agwat ng babae o ng lalaki ay talagang nagkakaroon pa rin sila ng masaya at kuntentong relasyon.

Marahil ito ay dahil sa tunay na pag-ibig nila para sa isa’t-isa. Dahil dito ay marami pa rin ang naniniwalang hindi natin dapat husgahan ang mga taong ito dahil lamang sa kanilang edad, hitsura, o katayuan sa buhay.

Ngunit kamakailan lamang ay marami ang nag-react at nagkomento sa bagong kasal na ito dahil hindi lamang sampung taon o dalawampung taon ang kanilang agwat, kundi 50 taon! Ang groom kasi ay 70 taong gulang na habang ang kaniyang napangasawa ay 20 taong gulang pa lamang!

Talagang napakarami ang nabigla at nagulat sa agwat ng kanilang edad ngunit mayroon din namang mga sumuporta sa kanila. Ayon sa Thai press, ang groom na 70 taong gulang na ay isang presidente ng Thai coffee company.

Siya ay nakilala bilang si Khao Shong. Agad na kumalat ang kanilang mga larawan online na talaga namang pinagpiyestahan ng maraming mga netizens mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Ang kasalang ito ay parehong unang beses pa lamang para sa groom at sa bride. Ayon din sa mga nauna nang ulat ay nagbigay ng dowry ang groom na nagkakahalaga ng 20 million baht (USD 661,375) sa pamilya ng kaniyang bride.

Inamin din naman ng groom na dapat ay noon pa talaga sila nagpakasal ng kaniyang minamahal ngunit ngayon na lamang nila ito naisakatuparan.

Mayroon din siyang napaka-sweet na mensahe para sa kaniyang misis:
“No matter where I am on this Earth, when the day comes, I will return to marry my bride.”