Isang 7 taong gulang na batang babae ang todo-effort para lamang manalo sila sa tug-of-war game na ito!

Kasiyahan na ng mga magulang na makitang masaya at malusog ang kanilang mga anak. Hindi mapapantayan ng kahit ano pa mang materyal na bagay ay pagiging masaya at malakas ng kanilang mga anak lalo na sa murang edad ng mga ito.

Tunay ngang hindi madali ang mag-alaga at magpalaki ng anak ngunit kinakaya ng bawat isa sa atin na maging mabuti at responsableng mga magulang. Kamakailan lamang ay marami ang nagalak sa video at sa mga larawan na ito ng isang 7 taong gulang na batang Thai.

Siya ay nakilala sa pangalang Premruedee Poltree. Sa kaniyang mga larawan at video online ay makikita kung gaano siya kapursigido at kadeterminadong manalo sa kanilang laro na tug-of-war.

Talagang makikita sa kaniya ang gigil at todo-effort para sa ikapapanalo ng kanilang grupo. Tunay nga na natural na lamang sa mga batang ito ang mag-enjoy sa mga outdoor activities.

Tila ba hindi sila nawawalan ng lakas at talagang hindi sila napapagod gaano man kahirap ang kanilang mga ginagawa. Ito na marahil ang isa sa pinakamagandang bagay lalo na kung ikaw ay bata pa, kayang-kaya mong gawin lahat ng bagay dahil sa punong-puno ka pa ng lakas at determinasyon.


Bilang mga bata tiyak din na basta’t kasama nila ang kanilang mga kamag-aral o kaibigan ay ma-eenjoy nila ang bawat oras ng kanilang paglalaro. Malaki din kasi ang naitutulong nito para sa paglinang ng kanilang pagkatao at sa kanilang paglaki.

Tunay nga na kung ikaw ay nalulungkot o di kaya naman ay pagod sa trabaho, isang tingin mo lamang sa mga larawan na ito ni Premruedee Poltree ay talagang mangingiti ka. Napakabilis lamang ng panahon lalo na ngayon, kung kaya naman hayaan nating magsaya at maging bata ang ating mga anak.

Dahil darating din ang tamang panahon kung kailan kakailanganin na nilang tumayo sa sarili nilang mga paa at lumaban sa maraming hamon ng buhay.