Isang 38 taong gulang na lalaki ang nagpakasal sa isang 65-anyos na babae ngunit sa gabi ng kanilang kasal ay natuklasan niyang 73 na pala ito!

Hindi makapaniwala ang YouTuber na ito mula sa Korea na si Bozai nang matuklasan niyang ang kaniya palang pinakasalan ay hindi 65 taong gulang talaga kundi 73 taong gulang na! Mayroon silang YouTube channel na kilala bilang “A Loving Couple”.

Marami mang tao sa kanilang paligid na talagang hadlang sa kanilang pagmamahalan ay pinili pa rin nilang magpakasal. Pagkatapos na pagkatapos ng kanilang kasal ay nagulat si Bozai dahil itinago pala sa kaniya ng kaniyang asawa ang tunay nitong edad!

Ayon sa mga naunang artikulo, nagkakilala ang dalawa sa isang volunteer activity noon kung saan unang nakita ni Bozai ang kaniyang asawa at doon niya napagtanto na para sila sa isa’t-isa. Nang maging magkaibigan at magkamabutihan ang dalawa ay nagsimula na silang magbahagi ng kanilang videos online.

Ngunit nang inaakala nilang wala nang magiging problema pa sa kanilang relasyon ay nagulat na lamang sila dahil sa mga pagsubok na dumating sa kanilang pagsasama. Napakaraming mga tao ang talagang hadlang sa kanilang relasyon dahil sa napakalaking agwat ng kanilang edad.

Kahit pa nga walong taon na noon ang kanilang relasyon bilang magkasintahan ay hindi pa rin payag ang kapatid ng kaniyang minamahal na sila ay maikasal. Maraming humusga sa kanilang dalawa hanggang sa pumanaw na rin ang kapatid ng kaniyang asawa.
Nang ikasal na sila ay dito muling nasukat ang pagmamahal at tiwala nila sa isa’t-isa. Talagang nagtaka na si Bozai sa gabi ng kanilang honeymoon.

Dito ipinagtapat sa kaniya ng kaniyang misis na hindi totoong 65 taong gulang na siya, bagkus ay 73 taong gulang na pala talaga ito! Naramdaman ni Bozai na tila niloko lamang siya ng kaniyang asawa ngunit nangibabaw pa rin ang pagmamahal niya dito kung kaya naman nagawa niya itong patawarin.

“Whether you are 65-year-old or 73-years-old, you will always be my most beautiful bride!” Pahayag ni Bozai sa kaniyang asawa.