Isang 17 taong gulang na dalaga hindi tumitigil sa kaniyang pagtatrabaho para lamang matupad ang pangarap niyang bahay para sa kaniyang ama!

Marami sa atin ang hanggang ngayon ay nananatili pa ring matatag at positibo sa buhay sa kabila ng napakaraming mga masasakit at mahihirap na pinagdaanan natin. Bawat isa sa atin ay tiyak naman na mayroong kaniya-kaniyang krus na pinapasan at kaniya-kaniya rin tayo ng pamamaraan kung paano natin magtatagumpayan ang mga pagsubok na ito.

Kamakailan lamang ay nakilala ng publiko ang isang kamangha-manghang dalaga na ito. Siya ang 17 taong gulang na dalagang naitampok sa isa sa mga vlog ni Virgelyncares 2.0 official.

Kasama ni Clara ang kaniyang ama na na-mild stroke noon. Ayon sa vlogger, una na niyang nakilala si Clara bilang isang tindera sa bakery sa Naga. Halagang Php3,000 daw ang kinikita niya sa loob ng isang buwan na siya namang ginagamit nilang mag-ama upang makaraos sa araw-araw.

Hirap nang maglakad ang kaniyang ama dahil sa na naging karamdaman nito ngunit sa kabila nito ay siya ang nagiging lakas at inspirasyon ni Clara na mas magsumikap pa sa buhay. Labing-apat na taong gulang pa lamang siya noong magkasakit ang kaniyang ama kung kaya naman halos apat na taon na rin siyang naghahanap-buhay para sa kanilang dalawa.

Talagang napakasipag ni Clara sa kaniyang trabaho dahil pangarap niyang makapagpundar ng bahay para sa kaniyang ama. Dahil dito, maliban sa pagiging isang tindera sa bakery ay nagtitinda rin siya ng mga mga tuhog-tuhog at ilang mga beauty products.


Nang tanungin naman siya kung mayroon ba siyang mensahe para sa kaniyang ina na bigla na lamang silang iniwanan noong siya ay bata pa, nahihiya niyang sinabi na hanggang ngayon ay talagang may galit pa rin siya sa kaniyang ina. Kahit naman daw wala ito ay kaya naman nilang mabuhay ng kaniyang ama.

Bilang tulong naman ay nagbigay din ng halagang Php10,000 tulong ang vlogger sa pandagdag sa ipon at panggastos ng mag-ama.