Isang 15-anyos pa lamang na dalagita, sumailalim sa mahigit 100 beses na plastic surgery para lamang maging kamukha ni Barbie!

Noon pa man ay madalas na nating marinig ang mga tao o maging mga sikat na personalidad na nagpapagawa o nagpaparetoke ng kanilang mga mukha. Sa ngayon ay marami nang mga bahagi ng ating katawan na maaaring ipagawa ngunit mas marami talaga ang gustong ipaayos ang ilang bahagi ng kanilang mukha upang mas maging maganda sila.

Lalo na ngayon na talagang sikat na sikat na ang social media at marami na ring mga social media influencer ang umaamin na maging sila ay sumubok na ding magparetoke ng makailang beses na upang mas maging maganda sila at mas lalo pang hangaan ng kanilang mga tagasuporta. Isa na marahil sa mga taong ginustong iparetoke ang kanilang mukha ay ang 15 taong gulang na dalaga na mula sa Tsina.

Siya ay nakilala bilang si Xiao Z Na Na o mas kilala sa palayaw niyang Little Z Nana. Sa kaniyang edad ay mayroon na siyang milyong-milyong followers online.

Marami ang sumubaybay sa kaniya mula nang sumailalim siya sa maraming operasyon dahil sa nais niyang magmukhang manika. Ayon sa ilang mga ulat, 13 taong gulang pa lamang siya noong una siyang sumailalim sa operasyon.

Talagang naglaan siya ng maraming pera at oras para lamang maging kamukha siya ni Barbie. Ilan sa mga operasyong pinagawa niya ay full-face bone reduction surgery, mayroon din siyang tatlong operasyon sa bibig, anim na double-eyelid surgeries, at limang lateral canthoplaties o outer eye corner procedure.


Hindi pa riyan nagtatapos ang lahat dahil sumailalim na din siya sa dalawang facial liposuction, tatlong body liposuction, at dalawang thigh liposuction. Dahil sa dami ng kaniyang pinagawa sa kaniyang mukha ay marami na sa kaniyang mga tagahanga ang nababahala dahil sa kinalabasan ng kaniyang hitsura.

Mayroon ding ilang mga ulat na nagsasabing binata talaga siya noon at nag-iba lamang siya ng kaniyang kasarian kung kaya naman dapat ay alagaan niya rin ang kaniyang sariling pangangatawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *