Isang 11 taong gulang na atletang babae ang nakapag-uwi ng tatlong mga gintong medalya suot lamang ang kaniyang “Nike shoes” na gawa sa surgical bandage!

Musmos pa lamang tayo, madalas na nating naririnig mula sa ating mga magulang at mga guro ang mga katagang “mag-aral kang mabuti, dahil walang ibang mag-aani niyang balang-araw kundi ikaw rin.” Tunay ngang tinuruan at pinaaalalahanan nila tayong mangarap ng malaki.

Ngunit sa pag-abot ng mga pangarap nating ito ay kailangan din nating magsakripisyo at talagang magsumikap ng husto. Marahil ay naaalala pa rin ng marami ang kwento ng batang atletang ito na si Rhea Ballos.

Siya ay 11 taong gulang lamang. Sa murang edad ay talagang nakahiligan na niya ang pagtakbo. Wala siyang pinapalampas na mga laro at patimpalak pagdating sa takbuhan.

Ngunit sa kabila ng matinding pangarap at pagnanais niyang makatakbo ay hindi ito kayang suportahan ng kaniyang pamilya. Bata pa lamang kasi siya ay talagang hirap na sila sa buhay.

Kung kaya naman hindi na rin niya nagawa pang makahingi ng pambili ng sapatos sa kaniyang mga magulang. Batid niya kasi na dugo at pawis ang puhunan ng mga ito mabigyan lamang sila ng magandang buhay na magkakapatid.

Sa kabila ng mahirap nilang kalagayan ay talagang nagsumikap pa rin si Rhea. Naging usap-usapan nga ang kaniyang gawa gawang sapatos na “Nike” ang tatak.

Wala silang pambili ng bagong sapatos pangtakbo kung kaya naman nagtiis na lamang siya rito. Kinatawan siya ng kanilang paaralan sa ginanap na “Iloilo Sports Council Meet”. Talaga namang maraming mga netizens ang namangha sa kaniya.

Kung marami kasi sa mga kabataan ngayon ang madalas ay puro reklamo na lamang sa napakaraming bagay sa mundo, mayroon pa rin palang mga kabataang nagsusuot ng mga ganitong klase nang gamit. Mas marami ding mga netizens ang nagpapaabot ng panghanga at papuri sa kaniya.

Dapat daw ay tularan siya ng iba pang mga kabataan lalo na sa panahong ngayon. Sa halip kasi na matulog o mag-aral sila ay makakaya na nila ang kaniyang mga sarili.