Isang 100-anyos na Brazilian na 84 taon nang nagtatrabaho sa isang kompanya, nasungkit ang World Record!

Isang nakakabilib na matandang lalaki na ngayon ay 100 taong gulang na mula sa Southern Brazilian City ng Brusque ang nagsilbing inspirasyon sa maraming mga netizens matapos niyang makuha ang “Guinness World Record book for working the longest in the same company: 84 years.” Sa panahon natin ngayon, tiyak na marami na ang nagnais na umalis sa kanilang mga kompanya at maghanap ng ibang trabaho.

Marahil ay dahil sa stress at matinding pagod na kanilang nararanasan o di kaya naman ay sa pressure o sa mga taong nakakasama nila sa trabaho araw-araw. Ngunit para kay Walter Orthmann, sa edad niyang 100 taon at sa lumipas na 84 taon ng kaniyang buhay sa pinagtatrabahuhan niyang kompanya ay wala talaga siyang pinagsisihan.

Ayon pa sa naging pahayag niya sa kaniyang mga interview, kailangan daw talaga nating magustuhan ang ating trabaho. Kailangang mayroong tayong “willingness” at “fighting spirit”.

“You can’t just do any job to say that you are working. That doesn’t work. You’re not going to be able to stand it.” Dagdag pa niya.

Nagsimula din siya sa pinakamababang posisyon sa kaniyang kompanya na RenauxView, gumagawa ng mga fabrics. Hanggang sa napunta siya sa administration at naging isang sales manager.

Talagang naging masipag siya sa kaniyang trabaho at iningatan din niya ang kaniyang kalusugan at pangangatawan.


“I really avoid salt and sugar. I avoid things that hurt your intestines. I avoid Coke and other sodas. I only consume things that are good for you. That really helps your body to be strong forever.” Dagdag pa ni Orthmann.

Tunay ngang napakagandang halimbawa nito para sa maraming mga kabataan ngayon na maliit na bagay lamang at talagang nagbibitiw na kaagad sa trabaho. Tila ba hindi nagagawang pahalagahan ang oras, panahon, at talentong inilaan nila mismo para sa trabahong pinagdarasal lamang nila noon.

Sana ay hindi natin malimutan kung paano magpahalaga sa mga biyayang natatanggap natin at sa mga responsibilidad na natatanggap natin.