Ilang mga mag-aaral, nakadiskubre ng mga “bricks” gamit ang dumi ng aso!?

Isa na marahil sa problema nating mga Pilipino ang mga alagang hayop ng ating mga kapitbahay lalo na ang mga alaga nilang aso. Madalas kasi na umiihi o dumudumi sila sa tapat ng ating mga tahanan.


Nakakaabala ito dahil wala namang ibang maglilinis nito kundi tayo lang din. Mayroon ding ilang mga sitwasyon kung saan nagiging dahilan din ito ng hindi pagkakaunawaan ng magkakapit-bahay.


Ngunit hindi lamang pala puro abala o perwisyo ang naidudulot ng mga dumi na ito sa atin. Maaari pala itong gamitin para sa mga paggawa ng mga “bricks”.

Ilang mga mag-aaral mula sa Quezon City ang nakatuklas kung paano makagawa ng mga “bio-bricks”. Ayon sa ginawang pag-aaral ng mga Grade 8 students na ito ng Justice Cecilia Munoz Palma Highschool sa Payatas, Quezon, ang mga bricks na ito ay nagawa nila sa pamamagitan ng mga dumi ng aso.

Ang kombinasyon daw ng semento at dumi ng aso ay tinawa nilang “bio-bricks”. Napakasimple lamang daw ng mga dapat gawin dito.

Una na ang pagbibilad ng mga nakolektang dumi ng mga aso. Pagkatapos nito ay maaari na itong haluan ng semento at makakabuo na ng mga bricks.

Mayroong timbang na sampung gramo ang semento at sampung gramo din naman ang sukat ng dumi ng aso. Hindi naman daw dapat ipagalala ang hindi magandang amoy ng dumi ng aso dahil mawawala din naman ito kalaunan.

Marami din ang namangha dahil sa mas matibay pa pala ang mga bio-bricks na ito kumpara sa mga hollow blocks na nabibili sa merkado. Ito ang lumabas na resulta sa “compression test” na kanilang isinagawa.

Nakakamangha at nakaka-proud na ang imbensyon na ito ay gawa mismo ng mga kabataang Pilipino. Tiyak na makakatulong ito sa kapaligiran lalo na sa ngayon na marami na tayong nararanasang kakaibang klima at panahon dahil na rin sa Global Warming at matinding polusyon.