Ilang mga elepante na gumagala-gala sa isang nayon, nakatulog nang mahimbing tampos uminom ng 30 kilos ng corn wine!

Maliban sa mga empleyado at mga negosyanteng labis na naapektuhan ng pandemya, marami din palang mga hayop ang nakaranas ng maraming pagbabago nitong nagdaang tatlong taon. Sa ilang mga lugar kasi ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga hayop na maglibot at gumala-gala.

Halimbawa na lamang ang ilang mga penguins na tila ba nagkaroon ng isang field trip sa isang zoo sa Chicago, Illinois. Mayroon din namang ilang mga elepante sa Yunnan, China na namataan ding gumagala sa isang nayon roon.

Kinain nila ang ilang mga halaman doon at hindi sinasadyang nakakita rin sila ng corn wine sa isang storage area roon. Maraming mga netizens ang labis na namangha dahil pagkatapos nito ay namataan naman ang mga elepanteng ito na natutulog ng mahimbing sa isang tea garden.

“While humans carry out social distancing, a group of 14 elephants broke into a village in the Yunan province, looking for corn and other food. They ended up drinking 30kgs of corn wine and got so drunk that they fell asleep in a nearby tea garden,” Pahayag ng Facebook page na “Epicalyptic”


Ayon sa ilang mga netizens, tila nalasing ang mga elepanteng ito kung kaya naman hindi na nila napigilan pa ang makatulog. Marami din naman ang nagtatanong kung nalalasing din ba ang mga hayop tulad nating mga tao?
Ayon sa ilan mga pag-aaral, napatunayan na nalalasing din ang mga hayop tulad natin ay nahihirapan din silang tumayo at maglakad kapag nalalasing. Tunay ngang napakarami pa rin nating natutuklasang bago at nakakamanghang bagay sa araw-araw.

Maaaring magkakaiba man tayo ng lahi o hitsura ngunit kahit papaano ay hindi naman nating maipagkakaila na marami pa ring magagandang bagay ang maaaring maihalintulad sa mga tao at sa mga hayop. Nagkaroon man ng matinding pandemya sa buong mundo ay nakahinga naman ang mga hayop na ito kahit sandali lamang.