Hindi pera ang kailangan ng mga taong ito na tumangging ipagbili ang kanilang bahay, sa ngayon ay naging atraksyon na ang mga ito!

Noon pa man, kalakaran na talaga na makipagnegosasyon at mabayaran ng malaki ang mga may-ari ng lupa na tatayuan ng mga malalaking gusali o establisyemento. Madalas naman ding pumapayag ang mga may-ari ng lupa dahil sa malaking halagang iniaalok sa kanila kapalit ng kanilang lupa ngunit mayroon din talagang mga hindi pumapayag kahit anong pilit pa ang gawin sa kanila.

Kahit pa nga alukin pa sila ng malaking halaga ng pera. Tulad na lamang ng mga homeowners na ito.

1. Hindi pumayag ang may-ari ng bahay na ito sa $1 million na iniaalok sa kaniya kapalit ng kaniyang lupa o mahigit 52.7 milyong piso! Naging inspirasyon din ang bahay na ito sa pelikulang “Up”.

2. Kinagigiliwan din naman ang cute na bahay na ito na tila ba naging palaman sa pagitan ng dalawang matatayog at malalaking mga gusali.

3. Moderno naman ang gusaling nakapaligid sa bahay na ito na tinatawag din nilang retro little house.


4. Nasa pagitan din naman ng dalawang apartment building ang isang munting bahay na ito na tila ba Gothic ang tema. Talagang marami ang napapasulyap sa angking ganda nito.


5. Mismong gobyerno na ang nagdesisyon na ituloy ang kalsada kahit pa nga hindi pumayag ang may-ari ng bahay na ito na ibenta ang kaniyang lupa. Ngunit kalaunan ay umalis na rin siya dahil sa sobrang ingay na ng lugar buhay nang magsimula ang pagtatayo ng kalsada roon.


6. Ang property naman na ito ay mayroong four-lane ring sa kaniyang paligid. Talagang hindi pumayag ang may-ari ng gusali na mabili ang kaniyang lupa.


7. Napakacute din naman ng munting tirahan na ito na napapaligiran ng malalaki at matatayog na apartment building!


8. Natagalan ang developer na makumbinsi ang may-ari ng munting lupa na ito ngunit kalaunan ay pumayag din ito. Ngunit nasa kalagitnaan na ang proyekto kung kaya naman ginawa na lamang nila itong bakery.


9. Sa Northern France, hindi rin pumayag ang matandang lalaki na si Salah Oudjani na ibenta ang kaniyang café na 46 taong gulang na. Kung kaya naman hanggang ngayon ay nakatayo pa rin nito sa kalagitnaan ng construction area.


10. Napakarami mang apartment sa paligid ng simbahang ito ay mas lalo pang gumanda ang kaniyang hitsura. Talaga namang nakakaengganyong magsimba rito!


11. Sa ilalim naman ng mga tulay na ito ay nakatirik pa rin ang magandang bahay na ito na tiyak na hindi na mababasa ng malakas na ulan.


12. Sa bahay namang ito ay tiyak na hindi ka na magko-commute pa araw-araw dahil nasa tabi lamang ng iyong tirahan ang inyong opisina.


13. Tumanggi rin ang isang residente na ibenta sa isang developer ang kaniyang lupa. Kung kaya naman talagang kapansin-pansin ang kaniyang bahay sa gitna ng magkakamukhang bahay na ito.


14. Hindi naman magkasundo ang developer ang may-ari ng bahay sa presyo ng property na ito kung kaya naman kalaunan ay ginawa na lang itong souvenir shop.


15. Hindi rin talaga payag ang may-ari ng bahay na ito na ibenta ang kaniyang tahanan ngunit dahil naging napakahirap na para sa kaniya ang lumabas ng kaniyang bahay at bumili ng kaniyang pangangailangan ay nagdesisyon na siyang ibenta na lamang ito. Nagkasundo rin naman sila sa presyo.

Tunay nga na hindi rin naman natin masisisi ang mga taong ayaw pumayag na ibenta ang kanilang mga lupain. Marahil ay pamana pa ito sa kanila ng kanilang mga ninuno kung kaya naman talagang iniingatan nila ito upang maipasa pa sa susunod na henerasyon. Nakakalungkot lamang na sa panahon natin ngayon ay mas marami nang mga lugar ang kinakailangang gawing pabahay, kalsada, at iba pang mga establisyemento.