Hindi mapigilan nang aso na ito ang mapasayaw habang kinakantahan siya ng isang lola!

Napakasarap maranasan ang pagmamahal at pagkalinga ng ating mga lolo at lola hindi ba? Marami sa ating mga Pilipino ang talagang laki sa lolo at lola.

Marahil ay naging abala din ang mga magulang natin noon sa kanilang mga trabaho at walang ibang mag-aalaga sa atin kundi ang ating mga lolo at lola. Hindi man nila tayo mga anak ay talagang higit pa sa pagmamahal ng magulang ang naranasan natin sa kanila.

Hindi na nakapagtataka na hanggang sa ngayon ay marami pa rin sa ating mga Pilipino ang malaki ang pasasalamat at pagmamahal sa kanila. Ngunit maliban pala sa mga apo at mga anak nila ay marami ding mga hayop ang talagang giliw na giliw sa ating mga lolo at lola.

Tulad na lamang ng isang aso na ito na kuhang-kuha sa video kung gaano siya kasaya kasama ang kaniyang lola. Gustong gusto ni Coco The Pitbull kapag kinakantahan at pumapalakpak para sa kaniya ang kaniyang lola.

Sa isang napakacute na video ay tila hindi mapigilan ng naturang aso ang kaniyang sarili na mapasayaw sa harapan ng kaniyang lola. Kitang-kita sa video kung paanong ang isang lola na nakaupo sa wheelchair ay tuwang-tuwa habang kumakanta at pumapalakpak sa harapan ni Coco.

Habang si Coco naman ay talagang napapaindak nang husto sa ginagawang pagkanta ng kaniyang lola. Maraming mga netizens ang talagang natuwa at naantig sa napanuod nilang video.

Hindi raw lahat ng aso ay katulad ni Coco na talagang game na game sa kaniyang amo. Tiyak rin na mahal na mahal ng lola ang kaniyang aso na siyang nagbibigay sa kaniyang ng pambihirang kaligayahan sa araw-araw.

Batid naman nating hindi madali ang sitwasyon ng ating mga lolo at lola lalo na kung sila ay nasa wheelchair na lamang. Kung kaya naman ang mga ganitong klase ng pagkakataon ay talagang nakakataba ng puso.