Hindi maayos na make-up ng isang bride sa kaniyang kasal naging dahilan upang makatanggap siya ng sorpresa mula sa isang world-class photographer!

Halos lahat naman ng mga kababaihan ay nangangarap na magkaroon ng isang maganda at hindi malilimutang kasal. Napakaespesyal ng araw na ito kung kaya naman talagang marami ang naglalaan ng oras at panahon para sa paghahanda sa kanilang kasal.

Ngunit ang isang napakaespesyal na araw sana sa buhay ng isang bride sa Thailand, Chai Nat na si Darika Klinkuhlab ay nauwi sa nakakalungkot na karanasan. Muntikan na kasing masira ang kaniyang kasal dahil lamang sa hindi magandang make-up ng make-up artist na kanilang kinuha.

Naisip kasi niyang mas makabubuti para sa kanila na sa malapit na beauty shop na lamang sila magpaayos ng kaniyang groom para sa kanilang kasal sa halip na sa malayo pa sila magpaayos. Kumuha sila ng package dito kung saan inasahan naman nilang magiging maayos ang kalalabasan.

Ngunit hindi naging maganda ang hitsura nila ng kaniyang groom matapos ang ginawa ng kanilang make-up artist sa kanila. Hindi tama ang foundation na ginamit sa kanila at maging ang kaniyang lipstick.

Tunay nga na ang pagsisisi ay nasa huli. Ngunit nais pa rin nilang ituloy ang kanilang kasal kung kaya naman pinangatawanan na lamang nila ito.


Tatlong oras din kasi ang paghahandang ginawa nila bago ang kanilang kasal kung kaya naman talagang wala na silang oras upang baguhin pa ito. Dahil sa naging karanasan nilang ito ay minabuti na ng bride na ibahagi ito sa social media upang maging aral na rin sa mga nagbabalak na magplano ng kanilang kasal.

Napansin namna ito ng Bangkok-based photographer na si Park Eun Young. Ginusto niyang make-upan muli ang bride at groom upang kahit papaano ay maging maayos naman ang mga larawan nila ng kanilang kasal.

Ayaw pang pumayag ni Darika dahil sa malayo talaga ang Bangkok sa kanila ngunit ang photographer at staff na mismo niya ang lumapit kina Darika upang matuloy ang kanilang kasunduan. At talaga namang naging napakaganda ng kinalabasan ng make-up at mga larawang kuha ng napakabait na photographer na ginawa ang lahat ng libre para sa bagong kasal!