Handwriting ng isang grade 8 na estudyante mula sa Nepal, kinilala bilang “Most beautiful handwriting in the world”!

Madalas ay nahuhusgahan tayo ng ibang tao dahil lamang sa paraan natin ng pagsusulat. Kung hindi ganoon kaganda ang paraan ng pagsusulat natin, madalas ay hindi rin nagiging maganda ang impresyon sa atin sa eskwela man o sa trabaho.

Habang kapag maganda naman at malinis tingnan ang ating paraan ng pagsusulat ay madalas na nagkakaroon ng impresyon ang mga tao sa atin na tayo ay disiplinado at talagang responsable sa buhay. Hindi man patas ang ganitong mga bagay ngunit madalas na itong nagiging dahilan upang mahusgahan ang marami sa atin.

Gayunpaman ay hindi ito dapat maging kaugalian o batayan ng marami sa atin pagdating sa pakikitungo sa ating kapwa. Noon pa man ay marami nang mga tao ang nagpapamalas ng angking husay nila pagdating sa pagbabasa at pagsusulat.

Halimbawa na lamang ang 14 na taong gulang na mag-aaral na ito mula sa Nepal. Taong 2016 kasi nang naging patok sa social media ang kaniyang napakaganda at perpektong “handwriting”.

Noon ay grade 8 pa lamang siya ngunit talagang napakaganda na ng kaniyang pagsusulat. Maging ang kanilang pamahalaan ay kinilala na rin ang kaniyang pambihirang talent. Kinilala din ang kaniyang handwriting bilang pinakamagandang sulat-kamay sa buong mundo.


Maraming mga netizens din naman ang hindi makapaniwala sa kaniyang pagsusulat at marami din sa kanila ang nagkomento na dapat na isama ito ng Microsoft sa kanilang opisyal na mga fonts.

“Reminds me of my father’s writing, he left school at 13, would have been 101 now. That’s the way kids were taught to write once upon a time.” Komento pa ng isang netizen.

Tunay nga na maraming tao sa ating paligid ang may pambihirang talento tulad ng estudyanteng ito. Maaaring hindi ito kaagad mapapansin o mabibigyang-halaga ng publiko ngunit darating din ang araw na kikilalanin ito at marami din ang magkakaroon ng magandang inspirasyon dahil dito.