Food delivery rider na natumba na sa kaniyang motorsiklo ngunit inuna pa rin ang paghahatid ng order ng kaniyang mga kostumer!

Naging matinding pagsubok sa marami sa atin ang pagkakaroon ng trabaho sa nagdaang panahon ng pandemya. Hindi lamang mga negosyante ang naapektuhan lalong-lalo na ang ating mga manggagawa.

Dahil sa maraming nagsarang negosyo at mga manggagawang nawalan ng trabaho ay dumami rin ang sumubok ng bagong pagkakakitaan tulad na lamang ng isang lalaking ito sa Malaysia. Marami ang naantig sa kaniyang kalagayan matapos siyang makuhanan ng ilang mga larawan.

Nakuhanan kasi siya ng larawan na nakayuko habang nakasakay sa kaniyang motorsiklo. Marahil ay napagod na rin siya sa maghapon niyang trabaho kung kaya naman hindi na niya napigilan ang matinding pagod.

Kahit malakas ang ulan at masungit ang panahon ay talagang sinikap pa rin niyang maihatid ang order ng kaniyang kostumer. Natumba pa nga ang kaniyang motorsiklo ngunit agad din siyang bumangon at inunang isalba ang order ng kaniyang kostumer kaysa ang kaniyang sarili.

Maraming mga netizens ang naantig sa sitwasyon na ito ng delivery rider. Lalo na at marami na talagang nakakalungkot na pangyayari sa ngayon kung saan ang ilang mga delivery riders ay nabibiktima ng mga manloloko.

Madalas na magpapa-book o magpapadeliver sa kanila ang mga walang pusong taong ito ngunit sa oras na i-deliver na nila ang kanilang inorder ay hindi na nila makontak pa ang mga ito o di kaya naman ay ibang address ang ibibigay sa kanila. Ang kadalasang nangyayari ay nag-aabono ang mga delivery rider o di kaya naman ay napipilitan silang ibenta na lamang sa mababang halaga ang kanilang mga biniling pagkain.

Sa hirap nang pinagdaraanan natin ngayon, sana ay magbigay respeto at pagpapahalaga din tayo sa mga taong nagbabanat ng buto para lamang mabuhay ang kanilang mga pamilya. Tunay nga na masisipag sila at determinado sa buhay dahil sa kabila ng napakaraming dahilan upang sumuko sila ay talagang nananatili pa rin silang matatag at positibo sa buhay.