Drone, nakuhanan ang ilang mga dolphin na ito at isang balyena na talagang masayang naglalaro sa isang bahagi ng karagatan!

Marami na tayong nasaksihan na mga pambihirang bagay sa ating paligid. Kahit pa nga sa modernong panahon na ito ay hindi maipagkakaila na marami pa rin tayong natutuklusan sa araw-araw na mas nagpapabilib at mas nagpapamangha pa sa atin.

Isa na marahil ang kuha ng drone na ito na nagpapakita ng ilang mga dolphins at isang malaking balyena na masayang naglalaro sa isang bahagi ng karagatan. Marahil ay inaakala nating iisa lamang ang dolphin at whales at walang pinagkaiba.

Ngunit ang totoo niyan ay talagang makikita natin ang mala-torpedo na hitsura ng katawan ng mga dolphins na tila mayroong tuka habang ang mga balyena naman ay kilala sa pagiging dambuhala at minsan ay nababalitaan din nating umaatake ng mga tao. Tulad na lamang ng mga Killer Whales, Pilot Whales, at False Killer Whales.

Ngunit sa kabila ng mga pagkakaiba nilang ito ay maaari pa rin pala talaga silang magsama at maglaro sa iisang lugar o iisang teritoryo. Nakuhanan nga ng drone ang dalawang humpback whales na ito na lumalangoy at nakikipaglaro sa isang dolphin at sa mga munting anak nito.

Aakalain mo talagang naghahabulan sila sa kanilang mga galaw kung kaya naman marami din ang nagalak nang mapanuod ang kakaibang eksenang ito. Noon pa man ay magkaibigan naman talagang maituturing ang kanilang mga uri ngunit ang dalawang species na ito ay hindi madalas makitang magkasama at agkakasiyahan sa iisang lugar lamang.


Ayon sa ilang mga nauna nang artikulo, ang mga southern right whales ay naglalakbay ng libo-libong kilometro mula sa malamig na katubigan ng Antartika patungo sa mainit na Australian coast. Ngunit sa maiksing panahon ay tila minabuti nilang maglaro at mamahinga muna nang magkakasama.

Talaga namang nakakatuwang makita ang mga hayop na ito na masayang magkakasama at naglalaro. Hindi man madali ang kanilang ginagawang paglalakbay upang manatiling buhay sa gitna ng karagatan ay nagagawa pa rin nilang magsaya kahit papaano.