Dating sanggol na inabandona ng kaniyang mga magulang sa basurahan, ngayon ay isa nang matagumpay na milyonaryo!

Lahat naman tayo ay talagang maraming pinagdaraanang pagsubok sa buhay. Hindi maipagkakaila na talagang marami sa atin ang nagsusumikap na mapagtagumpayan at malagpasan ang mga pagsubok na ito.

Tulad na lamang halimbawa ni Freddie. Taong 1989 nang siya ay abandonahin ng kaniyang mga magulang sa isang basurahan pagkatapos na pagkatapos na siya ay maisilang.

Anghel ang turing natin sa mga bagong silang na sanggol ngunit hindi niya lubos maintindihan kung bakit siya nagawang itapon na lamang basta basta ng kaniyang mga magulang na tila ba siya ay isang uri ng gamit lamang. Buti na lamang at nang mga panahong iyon ay mayroong napadaan sa naturang basurahan kung saan naroroon si Freddie.

Agad itong iniulat sa kinauukulan na siya namang naging dahilan upang madala siya sa isang “foster care system”. Ilang taon pa ang lumipas at mayroong pamilyang nag-ampon sa kaniya na talagang itinuring siya bilang miyembro ng kanilang pamilya.

Minahal, sinuportahan, at talagang ibinigay lahat ng kaniyang pangangailangan. Nang mga panahong ito ay talagang nagbago ng husto si Freddie.

Nagkaroon siya ng maraming mga ideya, batid niyang iba siya ngunit batid niyang mayroon nang pamilyang nagmamahal at sumusuporta sa kaniya. Siyam na taong gulang pa lamang siya noon nang si Freddie ay binilhan ng kaniyang ama ng computer, at dito na nga nagsimulang mahasa ang kaniyang kaalaman.

Sa murang edad ay talagang nadiskubre niya ang talento at hilig niya sa teknolohiya.

“He thought that a computer might help to keep me out of trouble,” Komento ni Freddie.

Hindi katulad ng ibang mga kabataan ay hindi nalulong sa games si Freddie bagkus ay talagang inaral niya ang teknolohiya sa likod nito. Interesado niyang buksan ang butingtingin ang loob ng kaniyang computer.

Nasisiyahan din siya kapag binabalik na niya ito at napapagana niyang muli. Sa edad na 13 taong gulang ay nagtrabaho na siya sa isang computer repair company. Dalawang taon pa ang lumipas at nagkaroon na siya ng sarili niyang kompanya.

“I wouldn’t recommend my path to everyone. But it worked for me. When I was 17, I had 150 clients that needed websites and storage for their files. I just kept building from there.” Payo ni Freddie.

Dahil mahal na mahal niya ang kaniyang ama na umampon sa kaniya, naka-imbento siya ng “tiny GPS tracker” para sa sakit nitong Alzheimer’s. Maaari itong ilagay sa sapatos kung saan maaari niyang ma-track kung nasaan na ang kaniyang ama at maaari din niya itong makausap sa pamamagitan nito.

Sa ngayon ay siya na ang milyonaryong Presidente at CEO ng “Figgers Wireless”, ang kaniyang kompanya na ipinangalan niya sa pamilya umampon at kumalinga sa kaniya.