Dating kasambahay na nagsumikap at talagang nagtiyaga sa kaniyang trabaho sa kabila ng hirap ng buhay, nagtapos na sa military school!

Hinangaan ngayon ng publiko ang dating kasambahay na si Meriam Libongcogo. Lumaki siya sa Bambalan Cebu kapiling ang kaniyang anim na mga kapatid.

Talaga namang napakahirap ng buhay nila noon kung hindi ito naging dahilan upang hindi niya matupad ang kaniyang mga pangarap. Sinong mag-aakala na sa edad niyang anim na taong gulang ay nagbabanat na ng buto si Meriam?

Hindi alintana ng musmos niyang isipan at katawan ang sakripisyong ito dahil nais niya din talagang tulungan ang kaniyang ama na siyang nagtatrabaho para sa kanilang malaking pamilya. Sa edad na siyam na taong gulang ay nangongolekta na siya ng buhangin, kahoy, bato at mga bao ng niyog upang magamit bilang construction supplies sa kanilang lugar.


Kahit na mahirap ang buhay ay nagawa pa rin niyang makapagtapos sa elementarya bilang Valedictorian kung kaya naman nagkaroon din siya ng scholarship sa isang Catholic high school.

“I graduated a valedictorian at grade 6. That was my gift to my parents, even though we were poor, I could make them happy,” Pahayag ni Meriam sa naging panayam sa kaniya ng ABS-CBN.

Ngunit nang magtatapos na siya ng hayskul ay hindi siya pinalad na magkaroon muli ng scholarship. Dahilan upang tanggapin niya ang alok na trabaho bilang isang kasambahay sa Baguio City.

Dito niya na nakilala si Nanay Rose na kaniyang employer at naging foster parent na din niya. Sinuportahan nito si Meriam sa pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral.

Bagamat tutol ang kaniyang mga magulang at kamag-anak na maging isa siyang navy ay talagang pinagpursigihan pa niya ito ng husto. Sa ngayon ay nakapagtapos na siya sa PMA at malapit na ding simulant ang ipinapatayo niyang bahay sa Cebu para sa kaniyang pamilya.

Talaga namang pambihira ang kaniyang pagsusumikap at mga sakripisyo para lamang siya ay makapagtapos. Sa wakas ay unti-unti na rin niyang naaabot ang kaniyang mga pangarap na noon ay tila napakaimposibleng maabot dahil sa kahirapan ng buhay.