Dating guro dito sa Pilipinas, ngayon ay isa nang ganap na welder sa Canada!

Marahil ay narinig na ninyo ang aral ng mga nakatatanda sa atin noon na kapag nakahanap ka ng trabaho at ito ay talagang mahal na mahal at gustong gusto mo, tiyak na hindi ka na magtatrabaho pa sa buong buhay mo. Sa unang beses na mapakinggan mo ang mga katagang ito ay para bang napakadali ang makahanap ng ganitong klase ng trabaho.

Ngunit para sa marami nating mga kababayan na mayroon nang sari-saring karanasan dito at maging sa ibang bansa, tiyak na sasabihin nilang hindi talaga ito naging madali. Talagang masusubok ang iyong determinasyon at ang iyong katiyagaan bilang isang indibidwal.

Tulad na lamang halimbawa ng isang dating guro na ito sa Pinas na ngayon ay isa nang ganap na welder sa isang tank manufacturing company sa Canada. Siya ay nakilala bilanag si Shirley Alah.

Nagkakaroon siya ang impeksyon sa kaniyang lalamunan kung kaya naman labis na naapektuhan ang kaniyang propesyon bilang isang guro. Dahil dito ay sinikap niyang mag-isip ng paraan kung papaano siya makakapagtrabaho at makapagtuturo pa rin sa kabila ang kaniyang kalagayan.

Nang minsang siyang bumisita sa Australia ay doon niya napag-isip-isip at doon niya nakita na maaari pa rin pala siyang magturo bilang isang welder. Hindi na siya magsasalita masyado bagkus ay gagawin na lamang niya o ide-demonstrate ang mga bagay na kailangang matutunan ng kaniyang mga estudyante.


Sinikap niyang mag-aral ng welding hanggang sa naging instructor siya sa TESDA (Technical Education and Skills Development Authority) Women’s Center. Taong 2017 ay nakapunta na siya ng Canada ngunit hindi pala ganun kadali ang maghanap ng trabaho sa dayuhang bansa.

Kahit na nga siya ay mayroon naman siyang abilidad at kwalipikasyon. Nakapasok siya bilang isang “cleaner”. Hindi nagtagal ay muli siyang naghanap ng pagkakataon upang maging isang welder.

Hindi nagtagal at sa wakas ay nabigyang-pansin din ang kaniyang determinasyon at pagsisikap ng “British Columbia for Women in the Trades”. Tunay nga na payo niya sa mga Pilipinong nagnanais ding sumubok sa ibang bansa, “the best way to learn is to ask questions.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *