Dating crew sa isang fast food chain, isa na ngayong doughnut shop owner na kumikita ng $8 million sa loob ng isang taon!

Sadyang napakahirap mag-isip ng patok at magandang negosyo lalo na sa panahon ngayon ng pandemya. Tila ba nakaimposibleng maging matagumpay ng isang negosyo lalo na kung halos lahat sa atin ay talagang hirap ngayon.

Maraming mga negosyo ang nalugi at kinailangang magsara. At marami ding mga manggagawa ang nawalan ng trabaho.

Ngunit hanggang ngayon ay nagsisilbi pa ring isang inspirasyon ang kwento na ito ng isang masipag na fast food crew noon na ngayon ay isa nang shop owner. Siya ay walang iba kundi ang 37 taong gulang na si Kristy Bannister.

Sa edad na 15 taong gulang ay nagtrabaho na siya sa McDonald’s. Taong 2015 ay itinaguyod ni Kristy kasama ng kaniyang asawa ang Dr. Dough Donuts.

Sa ngayon ay mayroon na silang higit sa 50,000 na mga treats lingo lingo. Maging ang kilalang celebrity na si Rebel Wilson ay talagang fan ng shop nina Kristy. Halos 35 kilo na rin ang nabawas sa kaniyang timbang at hanggang ngayon naman ay napapanatili pa rin niya ang kaniyang pangangatawan.

Sa tuwing cheat day niya ay palagi siyang umoorder ng Dr. Dough Donuts. Paborito din ni Rita Ora ang kanilang mga doughnuts.

Talaga namang hands-on si Kristy sa kaniyang shop gayundin naman ang kaniyang mister na si Geoff. Nagkakilala silang dalawa sa McDonald’s noon sila ay mga crew pa lamang. Mula sa pagiging isang crew ay na-promote siya sa loob ng 17 taon hanggang sa lumipat siya mula Melbourne hanggang Sydney.

Hanggang sa naging operations consultant siya ng McCafe. Sa loob ng mahigit anim na taon ay nagawa nilang palaguin ang kanilang negosyo na ngayon ay kumikita na ng $8 million sa loob ng isang taon!

Laking pasasalamat din naman ni Kristy sa naging karanasan niya sa McDonald’s dahil sa marami talaga siyang natutunan dito na nagagamit niya ngayon upang maging matagumpay ang kanilang negosyo.