Dalawang asong palaboy-laboy ang nakatagpo sa matandang babae na ito sa tabing-ilog, hindi nila siya iniwanan hanggang sa masiguro nila ang kaniyang kaligtasan

Talagang kamangha-mangha ang mga alaga nating hayop, di ba? Para bang nararamdaman nila kung tayo ay masaya o malungkot.

Likas silang matalino, mapagmahal, pasaway, at syempre labis din ang kanilang pagprotekta sa atin. Partikular na marahil ang mga alaga nating aso.

Ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami ay mayroon ding mga aso tulad ng mga asong ito na kahit walang sariling tahanan at pamilya ay kakakitaan pa rin ng pagmamalasakit sa ibang tao. Sa kaniyang Facebook page ay ibinahagi ni Ake Srisuwan ang larawan na ito ng dalawang aso.


Kasama nila ang isang matandang babae sa tabing-ilog. Sa unang larawan ay makikita ang matandang babae katabi ang isang aso na nagbabantay sa kaniya.

Sa di kalayuan naman ay mayroon pang isang aso na nakatanaw at nagbabantay rin sa kanila. Noong una ay hindi pa batid ni Srisuwan kung ano ang nangyayari.

Nang i-zoom niya ang kaniyang camera ay doon lamang niya nakita na nakabantay pala ang mga aso sa babaeng nakatulog sa gilid ng ilog. Marahil ay ramdam nila na nasa panganib ang buhay nito kung sakaling mas tumaas pa ang tubig.

Ang mga aso palang ito ay alaga ng matandang babae na isang palaboy. Wala silang permanenteng tirahan kung kaya naman sa tabing-ilog na muna natulog ang matandang babae.

Naroroon din ang dalawang alaga niyang aso na nakabantay at nagprotekta sa kaniya. Umani naman ng maraming komento at papuri mula sa publiko ang mga asong ito dahil sa ginawa na ito ng mga aso.

Dahil sa mga larawang ito ay nakatanggap din ng tulong ang matandang babae at ang mga aso na nasa mabuti na ngayong kalagayan. Tunay nga na napakasarap sa pakiramdam kung mayroong magmamalasakit, nagmamahal, at nagbabantay sa iyo.

Tulad na lamang ng matandang babae na ito na bagamat wala ang kaniyang pamilya sa kaniyang tabi ay naroroon naman ang kaniyang mga alaga na hindi siya iniwanan at pinabayaang mag-isa.