Dahil sa panget ang kaniyang bride, isang groom nagtangkang lunurin ang kaniyang sarili?!

Para sa maraming mga Pilipino, ang pagpapakasal ay isang banal at sagradong okasyon. Kung kaya naman talagang sinisikap natin na mabigyan ito ng wastong oras at panahon.

Ngunit sa ilang mga bansa sa buong mundo, hindi rin naman nawawala ang “arrange marriage” kung saan madalas ay hindi pag-ibig ang dahilan ang pag-iisang dibdib ng dalawang indibidwal kundi pagiging praktikal. Kadalasang plano at usapan lamang ito ng kanilang mga magulang o kaanak.

Tunay ngang marami din itong mabuti at hindi magandang epekto. Halimbawa na lamang ang nangyaring ito sa isang groom o lalaking ikakasal sa China.

Napabalita itong tumakas sa dapat ay kaniyang kasal sa diumano ay “panget” niyang bride. Sa pagtakas nito ay tila ninais na rin niyang wakasan ang kaniyang buhay at nagtangkang lunurin ang kaniyang sarili.

Ang lalaking ito ay nakilala bilang ang 33 taong gulang na si Kang Hu. Hindi niya kasi nagustuhan ang hitsura ng kaniyang bride na si Na Sun, 30 taong gulang nang magkita sila sa unang pagkakataon.

Matapos niyang humingi ng tawad kay Na ay agad nang tumakas sa kanilang kasal sa Shiyan City, China si Kang at doon na nga niya ginawa ang hindi nararapat. Ilang oras pa ang nagdaan at natagpuan na lamang ang katawan ni Kang na palutang-lutang sa isang ilog.

Wala siyang malay ng mga oras na iyon ngunit agad din naman siyang naisugod sa ospital at himalang nakaligtas.
“I feel bad about what happened but when I saw her she wasn’t what I had expected and I realized she would be bad for my image.” Pahayag ni Kang.

“My parents had arranged this and I couldn’t see any way out apart from suic!de,” Dagdag pa niya.

Tunay ngang mahirap din ang kalagayan na ito ni Kang ngunit hindi rin naman naging katanggap-tanggap ang binalak niyang pagkitil sa sarili niyang buhay.