Cute na larawan ng dalawang aso sa isang sari-sari store, nagpakilig sa mga netizens!

Noon pa man, marami nang mga dayuhan ang talagang humahanga sa pagiging maabilidad at madiskarte ng mga Pilipino. Kahit saan pa nga raw pumunta ang mga ito ay talagang hindi magiging imposible ang pag-unlad at pag-asenso sa buhay.

Kilala kasi ang ating lahi sa pagiging masipag at determinado sa buhay. Kahit anong trabaho pa ang ating pasukin ay talagang pinagbubutihan natin ng husto at binibigay ang isang daang porsiyento natin.

Maliban sa pagkakaroon ng trabaho ay marami rin sa atin ang nag-iisip ng mga negosyo, partikular na marahil ang mga sari-sari store. Kahit saan tayo lumingon ngayon ay talagang makakakita ka ng mga ganitong klase ng tindahan.

Maliit man ang kita sa simula ay humuhusto naman sa pangangailangan ng pamilya. Kamakailan lamang ilang mga larawan online ang kinakiligan ng publiko.

Dalawang aso kasi ang tila ba nagliligawan sa isang sari-sari store. Mayroong isang lalaking aso na nakatayo at nakadungaw sa tindahan na tila ba bumibili o nakikipag-usap sa aso na nasa loob nito.
Hindi magkamayaw ang mga netizens sa pagkokomento at pagsasana-all. Buti pa raw ang mga asong ito ay nakatagpo na ng kanilang pag-ibig samantalang karamihan sa kanila ay naghihintay pa rin.

Nakakatuwa rin ang caption na inilagay ng netizen na nagbahagi ng kanilang mga larawan.

“Miss, pabili nga po ng isang sulyap mo!” Caption ni Kylie Medel sa mga larawan ng dalawang aso.

Ang mga larawan na ito ay kuha diumano sa Tondo, Maynila. Ang lalaki na aso ay nakilala bilang si Ram habang ang babaeng aso naman na nasa loob ng tindahan ay nakilala bilang si Miley.

Hindi na bago ang ganitong klase ng mga tagpo sa ating mga Pilipino. Dahil noon pa man ay marami nang nagkakakilala at nagkakatagpo sa mga tindahang gaya nito. Sino ang mag-aakala na maaari rin pala tayong makatagpo ng tunay na pag-ibig dito, hindi ba?