Chinese identical twins na sampung taong gulang na, muling nagkita sa kauna-unahang pagkakataon live sa TV!

Maraming mga netizens ang naantig sa kwentong ito ng magkakambal na Chinese na nagkahiwalay nang sila ay isinilang. Sila ay sina Audrey Doering, mula Wisconsin, at Gracie Rainsberry, mula naman sa Washington.

Talaga namang hindi mapigilan ng publiko ang maluha nang masaksihan ang muling pagkikita ng magkapatid. Ang magkakambal pala ay inampon ng magkaibang pamilya sa Amerika mula sa Tsina.

Hindi nila batid na mayroon pala silang kakambal. Ngunit tila naramdaman ni Audrey na para bang mayroong kulang sa kaniyang pagkatao.

Mangingiyak-ngiyak pa niyang inihayag na hindi niya lubos akalain na hindi pala biro ang sinabi sa kaniya ng kaniyang mga adoptive parents na siya ay mayroong kakambal. Nagulat din naman ang tumayong ina ni Audrey na si Jennifer Doering nang minsan niyang makita ang isang larawan ng kambal sa internet.

Tila ba mayroon na siyang kutob tungkol dito. Agad naman siyang tinulungan ng isang researcher mula sa Tsina upang matunton at makausap ang ina ni Gracie na si Nicole Rainsberry sa Facebook.

Hindi makapaniwala noong una si Jennifer at sinabi pa nitong talagang nakakabaliw makita na mayroong kamukha ang iyong anak ngunit ito ay ibang tao.

“I mean, everything was the same. The same hair, the same glasses, the same outfits. As soon as I had that picture, I was desperate to find out … who that other child was.” Pahayag ni Jennifer.

“I mean this stuff you read about. And how could it really be that there are two of them? It’s hard to process that information. It was crazy to be looking at what looked like Gracie, but knowing that it wasn’t Gracie,” dagdag pa niya.

Laking pasasalamat din naman ng kambal dahil sa wakas ay nasagot na ang matagal na nilang katanungan. Nadiskubre din nilang dalawa na mahilig pala sila sa pasta, pizza, fries, at Math!