China’s most handsome man, idedemanda raw ang mga taong magsasabing puro gwapo lamang siya at walang talento!

Napakarami nang ordinaryong tao ang nabigyan ng pagkakataon na sumikat at makilala dahil sa social media. Hindi maipagkakaila na talagang Malaki na ang pagbabago ngayon lalo na pagdating sa teknolohiya.

Maging sa Pilipinas ay marami na ring pinalad na mga magagandang lalaki at babae na nabago ang buhay dahil rito. Ngunit kaakibat din naman nito ang sari-saring komento at kontrobersiya na maaari nilang kaharapin sa bagong yugto ng kanilang buhay.

Halimbawa na lamang ang itinuturing na “China’s most handsome man”. Siya ay si Dingzhen Zhenzhu, 21 taong gulang at isang Tibetan herder mula sa Litang, isa sa mga pinakamahirap na county sa China.

Marami ang humanga sa kaniya noong 2020 dahil na rin sa kaniyang “rugged looks”. Dahil sa kaniyang “innocent smile” at “pretty face” kung kaya naman binansagan siya bilang China’s most handsome man.

Ngunit kasunod nito ay ang walang humpay na pangungutya sa kaniya ng publiko at ng ilang mga kilalang personalidad. Tulad na lamang halimbawa ni Wang Bingbing na isang pamosong state media reporter na tinawag siyang “Dingzhen Who Interviews.”
Si Will Liu Keng-hung din na isang Taiwanese singer at fitness trainer na isa ring online personality ay madalas naman siyang tawaging “Exercising Dingzhen” o “Dingzhen Who Exercises.” Dahil dito ay talagang napikon na si Dingzhen kung kaya naman idedemanda na raw niya ang lahat ng magsasabing gwapo lamang siya at walang talento sa social media.

Mayo 14, 2022 nang maglabas ang agency ni Dingzhen ng liham mula sa kanilang abogado na nagbababala sa publiko na gumawa ng mga “defamatory comments” tungkol sa kanya na nagtataglay ng “insulting, terrifying, vulgar, or vilifying words, pictures and audio dahil haharap sila sa demanda ng sikat na influencer. Marami nang naibigay at naipagkatiwalang proyekto kay Dingzhen mula nang sumikat ito noong 2020.

Dahil rin sa kaniyang natamong kasikatan ay naging isang sikat na tourist destination ang Litang na talagang nakatulong din sa mga taong naninirahan roon.