Biniling mesa ng isang lalaki, nabago ang buhay maging ang buhay ng kaniyang buong pamilya?!

Taong 2014 nang bumili ang isang lalaking ito mula sa Massachusetts ng isang magandang mesa. Luma na ito ngunit talagang napakaganda at matibay pa rin. Ang naturang mesa ay inilarawan bilang “the Governor Winthrop secretary desk”.

Ito ay mayroong classic design na nabili lamang ni Phil LeClerc sa halagang $40. Ito ay kaniyang nabili sa Holbrook auction house. Nang maiuwi niya ito sa kaniyang bahay ay mas lalo pa niya itong pinagmasdan.

Hindi ito perpekto dahil mayroon na rin itong ilang sira dahil na rin sa tagal ng naturang mesa. Matapos niyang silip-silipin ang kabuuan ng mesa ay inalog niya ito at mayroong nahulog na isang puti na sobre.

Ang naturang mesa pala ay isang kilalang modelo dahil sa mga sikretong lagayan o compartments nito. Sa sobreng natagpuan niya roon ay nakakita siya ng $127,000 halaga ng mga mature bonds.

“We found 50s, then we found 100s, 200s, 500s. And then we found a stack of six $10,000 bonds,” Pahayag ni LeClerc.

Labis siyang nagulat nang matuklasan ang naturang halaga. Nang mga oras kasing iyon ay naghahanap lamang siya ng mga sirang handle at bahagi ng mesa ngunit iba ang kaniyang natagpuan.
“I banged the desk forward and when the knob came out the envelope dropped. The first thing I saw was a $500 bond.” Dagdag pa ni LeClerc.

Ang naturang savings bond ay agad namang ipinagbigay-alam ni LeClerc sa auction house kung saan niya ito nabili. Sinubukan naman nilang hanapin at kausapin ang pamilyang dati nang nagmamay-ari ng mesa.

Nalaman nilang ipinagbili pala talaga ang mesa na ito kasabay ng iba pa nilang mga gamit para sa panggastos sa medikasyon at magiging tirahan ng kanilang 94 taong gulang na ama.

“The family had been looking for them for years. He was so happy. It could not have happened to a nicer guy.” Komento naman ni Marg-E Kelley, operator ng naturang auction house.