Binigyan na ng taning ng kaniyang mga magulang ang babaeng ito na iwanan na ang kaniyang nobyo kung sa loob ng tatlong taon ay hindi pa rin ito makakalakad, mayroon na lamang silang anim na buwan!

Wala nang iba pang nagawa ang 23 taong gulang na babaeng ito sa desisyon ng kaniyang mga magulang na pagkalipas ng tatlong taon ay kailangan na niyang hiwalayan at iwanan ang kaniyang nobyo na paralisado. Siya ay nakilala bilang si Yang Nan.

Ayon sa ilang mga interbyu, humingi ng pahintulot ang dalaga sa kaniyang mga magulang kung maaari ba niyang makasama ang kaniyang nobyong si Yan Hongbo, 27 taong gulang. Paralisado na si Yan Hongbo ngunit hindi ito naging dahilan upang iwanan at pabayaan siya ng kaniyang nobya.

Taong 2009 nang maaksidente sa motorsiklo ang binata at dahil dito ay hindi na niya maigalaw pa ang kaniyang kalahating katawan. Lumipas ang mahabang panahon ngunit hindi pa rin nakakalakad ang binate hanggang sa nagdesisyon na ang mga magulang ng kaniyang nobya na kailangan na nilang maghiwalay kung sa panahong sinabi nila ay hindi pa siya nakakalakad.

“I do not know what to do, I know he can be cured but as of now we have no money to undergo medical treatment. We do not even have enough money for our daily needs. We need a miracle.” Pahayag ni Yang Nan.

“I cannot see a future for her if she stays with me, she has a bright future ahead of her. I have promised that we will do what her parents want if we cannot heal my legs in the next six months.” Pahayag naman ni Yan Hongbo.

Sa ngayon ay naninirahan sila sa Qionglai Town sa Sichuan Province. Nagsimula ang kanilang relasyon bilang matalik na magkaibigan hanggang sa naging magkasintahan ang dalawa.

Sa ngayon ay walang ibang inaasahan ang binata kundi ang kaniyang nobya. Ang kaniyang ama ay nasa kulungan pa sa ngayon kung kaya naman umaasa pa rin siya na kapag nakalaya na ito ay mayroon nang mag-aalaga sa kaniya.

Talaga namang napakahirap ng sitwasyon ngayon ng magkasintahan at tanging himala na lamang ang makatutulong sa kanila.