Baia – isang sinaunang Roman City na nasa ilalim ng karagatan nang mahigit 500 taon na!

Noon ay isa sa pinakasikat at pinakakilalang lugar ang city of Baia, ngunit ngayon ay nasa ilalim na ito ng karagatan. Minsan na itong tinawag na “Las Vegas of the Roman Empire”.

Ayon sa kasaysayan, maraming mga mayayaman at makapangyarihang tao ang palaging nagpupunta sa lugar na ito upang magsaya. Maging ang mga kilalang personalidad sa kasaysayan tulad nina Nero, Cicero, at Caesar ay madalas rin diumano rito.

Hindi lamang sila madalas na bumibisita rito dahil ang ilan sa kanila ay nakapagpatayo pa rito ng mga negosyo tulad ng “resort villas”. Ang siyudad ng Baia matatagpuan sa “weast coast” ng Italya at ito ay sa isang “natural crater” at “ hot spring”.

Ngunit dumating ang ikawalong siglong digmaan na naging dahilan upang masira ang napakagandang lugar na ito. Ang mga kalye noon na hindi mahulugang-karayom ay naging abandonado na.

Hanggang dumating ang 1500 nang tuluyan nang lumubog at nilamon ng tubig ang siyudad. Ayon sa ilang mga nauna nang artikulo, sinadyang itayo ang City of Baia sa itaas ng bulkan dahil ang mga lugar na ito ang sinasamba ng mga sinaunang Griyego at mga Romano.

Ito raw ang pintuan o daanan patungo sa impiyerno. Hindi batid ng mga tao noon na labis na mapanganib ang pagtatayo ng ano mang mga establisyemento at gusali sa ibabaw ng bulkan.

Ngunit dahil na rin sa walang tigil na pagbabago ng ating mundo ay unti-unti na ring nasira nang tuluyan ang siyudad na ito kahit na nasa ilalim na ito ng karagatan. Dahil dito ay tuluyan na itong nakalimutan ng mga tao.


Hanggang noong 1940 dahil sa isang piloto ay na nagbahagi ng ilang “aerial photos” nito sa publiko ay muli na namang nagkaroon ng interes ang mga tao sa naturang lugar. Dahil sa mahirap tuntunin ang kinaroroonan nito, nahirapan din ang mga ekspertong mapuntahan at mapag-aralan ang lugar.