Automatic na ang pagtawa ng bibe na ito sa tuwing susundutin ng daliri ang kaniyang katawan kung kaya naman tuwang-tuwa sa kaniya ang kaniyang mga amo!

Dahil sa modernong teknolohiya at sa dami na ng mga social media platforms ngayon, hindi na nakapagtataka na marami na sa atin ang nakakatuklas ng iba’t-ibang bagay. Mayroong mga bagay na nakakamangha, nakakabilib, nakakaaliw, at talagang nakakagulat.

Minsan pa nga hindi natin lubos akalain na posible palang mangyari ang bagay na ito na natuklasan lamang natin dahil sa mga sikat na larawan at videos na matatagpuan natin online. Tulad na lamang halimbawa ng maraming mga bagay na natutuklasan at nadidiskubre pa natin sa mga hayop sa ating kapaligiran.

Halimbawa na lamang ang isang bibe na ito. Aakalain mong isang makina ang bibe na ito dahil sa tuwing susundutin ng kaniyang mga amo ang kaniyang katawan ay agad agad itong tumatawa.

Para sa marami sa atin, hindi na bago ang makiliti tayo at talagang mapahiyaw sa tuwing may gagawa sa atin nito. Ngunit laking gulat ng publiko nang mayroon din palang isang hayop – isang bibe na tila ba nakikiliti din sa tuwing tinutusok o sinusundot-sundot ang kaniyang katawan!

Sa naturang video ay makikita ang isang tipikal na bibe na kulay puti, kalmado lamang ito at talagang payapa ang hitsura. Ngunit maya-maya pa ay mayroon nang daliri na tumusok sa kaniyang katawan na naging hudyat upang ito ay tila humagikgik at tumaya ng pagkalakas-lakas.


Nang alisin naman na ang daliri sa video ay tila walang nangyari sa bibe at talagang tumahimik na itong muli. Talaga namang nakakamangha na makakita ng mga ganitong klase ng video.

Hindi araw-araw ay mayroon tayong natutuklasang bago sa mga hayop sa ating paligid. Kung kaya naman dapat ay maging maingat din tayo, subukan natin mas maging responsable at maalaga pagdating sa mga alaga nating hayop.

Kahit mga hayop na nakikita natin sa paligid natin ay huwag din sana nating balewalain at huwag nating saktan o kitilin ang buhay.