Australian diamonds na hindi kayang makita ng kahit sino man, nagpamangha sa publiko!

Mayroong natagpuan ang mga mananaliksik na nagtatrabaho sa Clarke River Fault sa North Queensland na mga metamorphic diamonds. Ito ang kauna-unahang metamorphic diamonds sa bato na kanilang natagpuan. Ayon sa journal na “Science Advances”, binigyang-diin ng mga siyentipiko na ang mga diamond na ito ay hindi nakikita ng ating mga mata lamang.

Tatlong mga mananaliksik mula sa James Cook University ang nakadiskubre sa mga metamorphic diamonds na ito sa bato. Sina Alexander Edgar, Ioan Sanislav, Paul Dirks, at Carl Spandler ang nagpaliwanag kung paano nila natagpuan ang mga maliliit na diamonds na ito.

Ipinaliwanag din nila kung paano ito makakatulong sa pagdiskubre sa kasaysayan at pagkabuo ng Australia. Ang mga Metamorphic diamonds ay bihira lamang matagpuan at nabubuo lamang sa mga tiyak na lugar.

Sobrang maliliit rin ang mga ito mula sa “microscopic size” hanggang sa “nano-sized”. Halos sa anim na mga lugar lamang sa buong mundo sila maaaring matagpuan.

Ayon pa sa mga mananaliksik, ang mga crystal blocks na ito ay nagkiskisan 500 milyong taon na ang nakakaraan. Nagsimula ang mga mananaliksik na imbestigahan ang mga bato sa fault line matapos nilang malaman sa isa sa kanilang mga estudyante ang patungkol sa mga “tectonic plates” na natagpuan nila sa isang lugar.

Nangolekta ng ilang mga bato ang mga mananaliksik at sinuri nila ito sa kanilang laboratoryo. Hiniwa nila ito mula sa maninipis na mga “slabs” at ginamit ang Raman spectroscopy upang malaman nila ang mga mineral sa loob ng mga ito.


Dito nila nadiskubreng mayroong itong silica, amphibole, apatite, lamella, coesite, quartz, at ang metamorphic diamonds. Ang mga diamonds na kanilang inoobserbahan ay ang kauna-unahang natagpuang diamond sa Gondwana-Pacific, Terra Australis Orogen.

Dinagdag rin ng mga eksperto na maaari na itong makatulong upang mas may matuklasan pa sila patungkol sa pagkakabuo at kasaysayan ng Australia gamit lamang ang mga batong ito na kanilang nadiskubre.