Aso na pinaglaruan ang pustiso ng kaniyang amo at isinuot, labis na kinagiliwan ng publiko!

Marami na rin talaga sa ating mga Pilipino ang nahihilig sa pag-aalaga ng hayop. Hindi lamang bilang kabuhayan o negosyo kundi bilang isang “pet” o alaga na rin.

Mayroong ilan sa atin na magsasabing luho lamang ang pag-aalaga ng mga hayop dahil sa kakailanganin mo talagang gastusan ang mga ito. Unang una na riyan ang kanilang mga pagkain, bitamina, at marami pang iba.

Marami din naman sa atin ang hindi na iba ang turing sa mga alaga nating ito. Kapamilya, kapatid, o anak na rin kung ituring ang mga alaga nating aso sa ating sambahayan.

Parte ng pamilya wika nga ng matatanda. Nagdudulot din naman kasi talaga sila ng kaligayahan sa atin sa araw-araw.

Tulad na lamang halimbawa ng alagang aso ni Eunice na si Maggie. Si Maggie ay hindi purebred dog. Siya ay halong breed ng Shih Tzu, Poodle, at Chihuahua.

Madalas din siyang makita na tila naka-pony tail na mas nakapagpadagdag ng cuteness nito. Si Eunice ay nakatira pa rin sa poder ng kaniyang mga magulang ngunit napakalaking bagay nito para sa kaniya dahil mayroong tumitingin at nag-aalaga kay Maggie sa tuwing kailangan niyang magtrabaho.

Ang kaniyang ama ang laging kasama ni Maggie at talaga naman naging close na rin silang dalawa. Isang araw ay tinanggal ng kaniyang ama ang pustiso nito at inilapag lamang malapit sa kanilang sofa.

Namahinga at nakatulog ang kaniyang ama at nang magising ito ay pilit niyang hinanap ang kaniyang pustiso na ng mga panahon na iyon ay na kay Maggie na pala. Kinuha at pinaglaruan pala ito ng kanilang aso at saktong napunta sa kaniyang bibig.

Hindi nila napigilan pa ang paghalakhak nang makita ang kalokohan na ito ni Maggie. Agad nilang kinuhanan ng litrato at ibinahagi online kung saan mas maraming mga netizens ang natuwa sa cute at bibong si Maggie.