Apat na taong gulang na bata, nawala sa estasyon ng tren habang kasama ang kaniyang mga magulang. Limang taon ang nakalipas at muli nilang nakita ang bata ngunit hindi na nila ninais pang maibalik ito sa kanila!

Labis ang pagsisisi ng mag-asawang Liu Quoqing at misis nitong si Zhang Mei nang bigla na lamang mawala ang anak nilang si Liu Qiangqiang sa estasyon ng tren kung saan sila ay sama-samang naghihintay noon. Ayon sa mag-asawa, bumibili lamang sila noon ng makakain kasama ang kanilang anak ngunit paglingon nila ay wala na sa kanilang tabi ang apat na taong gulang nilang anak.

Buhat nang mangyari ito ay hindi na tumigil ang mag-asawa sa paghahanap sa kanilang anak kahit pa sa mga kalapit na lugar at probinsiya ng kanilang bayan. Nagkaroon din ng depresyon si Zhang dahil sa pagkakawala ng kanilang anak.

Makalipas pa ang ilang taon ay muli silang nabiyayaan ng anak na babae na labis din namang ipinagpasalamat ng mag-asawa. Sa kabila nito ay hindi pa rin nawala sa kanilang isipan ang kanilang panganay na anak.

Tila ba mayroon pa ring kulang sa kanilang buhay nang mga panahong iyon. Kailan man ay hindi tumigil ang mag-asawa sa paghahanap sa kanilang anak hanggang sa nagamit na nila ang lahat ng kanilang ipon at ari-arian.

Talagang naghirap sila at hanggang ngayon ay sa maliit na barong-barong pa rin sila naninirahan. Lumipas pa ang ilang taon at hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang mag-asawa na balang-araw ay muli nilang mayayakap ang kanilang anak.

Isang araw ay humahangos na lumapit kay Liu ang isa sa kanilang mga kapitbahay ay sinabi nitong nakita niya ang panganay nilang pumapasok sa Diyi Primary School na nasa siyudad. Marahil ay inampon siya ng isang mayamang pamilya at ang tumatayong ama niya ngayon ay isang mayamang negosyante.

Sumigla at talagang nabuhayan ang mag-asawa sa balitang ito ng kanilang kapitbahay ngunit nagtanong din ang isa sa kanilang mga kaibigan kung gaano siya kasiguradong ito nga ang anak na panganay ng mag-asawa gayung ilang taon na rin ang nakalilipas buhat nang mawala ito at tiyak na ibang-iba na ang kaniyang hitsura ngayon.

“I am absolutely sure about that. I held the boy in my arms when he was a baby. I remember that he has a unique birthmark on one of his arms. I couldn’t have been wrong.” Pahayag ng kanilang kapitbahay.


Agad namang nagtungo ang ama sa naturang paaralan kung saan tahimik at matiyaga siyang naghintay sa paglabas ng kaniyang anak. Hindi rin nagtagal at tila mayroon siyang nakitang pamilyar na mukha.

Sigurado siyang ito nga ang kaniyang panganay na anak. Ngunit sa ngayon ay mayroon na itong itinuturing na ibang magulang.

Nakita ni Liu kung paano alagaan ng mayamang negosyante ang kaniyang anak dahil nakita nitong sinundo pa niya ito sa kanilang paaralan kahit gaano pa siya kaabala sa trabaho. Talaga namang namangha siya ng husto sa kaniyang nakita.

Sinundan din niya ang kotse ng mga ito at nakita kung gaano na kaganda ang buhay ngayon ng kanilang panganay na anak. Ngayon ay nagdadalawang-isip siya kung katanggap-tanggap pa bang bawiin nila ang kanilang anak o hayaan na lamang nila siya sa piling ng bago niyang pamilya?

Talaga namang nakakadurog ng puso ang sitwasyon na ito ng mag-asawa ngunit wala rin naman silang magagawa dahil sobrang hirap din ng kalagayan ng buhay nila sa ngayon. Marahil ay magkakaroon din sila ng lakas ng loob balang-araw na magpakilala sa kanilang anak.