Anak ng isang sikat na public figure, nagbahagi ng kaniyang baon sa kaklase niyang walang pambili ng pagkain sa loob ng isang taon!

Bilang mga magulang, wala tayong ibang nais kundi magabayan ang ating mga anak na magkaroon ng mabuting pag-uugali at magandang-asal sa kanilang paglaki. Talaga namang napakasarap sa pakiramdam bilang isang magulang na maturuan ng tama ang ating mga anak.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang anak ng isang Singaporean celebrity na si Nurul Aini dahil sa ginawa nito sa isa sa kaniyang mga kaklase. Ayon sa celebrity, nagulat siya nang malaman niyang ibinabahagi pala ng kaniyang anak ang baon ito sa isa sa kaniyang mga kaklase na walang pambili ng pagkan.

Sa loob ng isang taon ay natulungan ng kaniyang anak ang kaniyang kaklase. Pinuri daw ng guro ni Shan ang kaniyang ginawa sa harapan ng kaniyang mga kaklase kung kaya naman pag-uwi ay agad niya rin itong ikinuwento sa kaniyang ina.

“His parents didn’t give him enough for food and drinks. So he will usually just buy a drink and won’t eat. I feel bad so I gave him money,” Pahayag ni Shan sa kaniyang ina.

Nilinaw din naman niya na binayaran din siya kaagad ng kaniyang kaklase matapos niya itong pahiramin ng baon. Naikwento din ng bata na ang natatanggap niyang baon mula sa kaniyang ina ay $2 at ito rin ang tipikal na presyo ng mga pagkain sa kanilang canteen.
Ang kaklase naman ni Shan ay nakakatanggap lamang ng $1 o minsan ay $2 mula sa kaniyang mga magulang kung saan 60 cents dito ay para sa inumin na niya. Kung kaya naman kakaunti na lamang ang natitira sa baon ng kaniyang kaklase.

Si Shan ay madalas na nagbabaon ng tubig sa eskwela kung kaya naman hindi na niya kailangang bumili pa. Nakakaipon pa raw ito ng halagang $9 na nakita mismo ng kaniyang ina sa kaniyang pitaka.

Talagang nagulat at tuwang-tuwa si Nurul sa kabaitan ng kaniyang anak.