Anak na ginawang canvass ang sasakyan ng kaniyang ama, hindi pinalo o pinagalitan ng kaniyang ama bagkus ay nagpasalamat pa ito sa kaniyang anak!

Aminin man natin o hindi, marami sa atin ang nangangarap na magkaroon ng sarili nating bahay at lupa, matagumpay na negosyo, masaya at kumpletong pamilya, at iba pang mga materyal na bagay tulad na lamang halimbawa ng mga sasakyan. Sa oras na makamit na natin ang mga ito ay tila ba kumpleto na ang ating buhay at wala na tayong mahihiling pa.

Nasa sa atin na lamang kung paano natin pahahalagahan ang mga ito. Tulad na lamang halimbawa ng isang ama na ito na mula sa Taiwan.

Siya ay nakilala ng publiko bilang si Mr. Yang. Ikinagulat ng maraming mga netizens ang naging reaksyon niya nang matuklasan niya na ginawang canvass ng kaniyang anak ang kaniyang puting sasakyan.

Talagang kitang-kita ang mga iginuhit ng kaniyang anak na miyembro ng kanilang pamilya. Marahil, sa isang tipikal na magulang, talagang magagalit sila dahil sa hindi naman din biro ang magpaayos o magpagawa ng sasakyan lalo na sa panahon natin ngayon.

Ngunit para kay Mr. Yang, hindi niya magawang pagalitan ang kaniyang anak dahil sa nais lamang nitong ilabas ang kaniyang nararamdaman. At ang nararamdaman nito ay ang pagmamahal niya sa kanilang buong pamilya.

Kapansin-pansin din ang pagiging malikhain ng kaniyang anak sa bawat isang iginuhit nito sa kaniyang sasakyan. Para raw kay Mr. Yang ay talagang mas mahalaga ito kaysa sa ano pa man.

Kung kaya naman hahayaan na lamang niya ang napakagandang obra na ito ng kaniyang anak sa kaniyang sasakyan. Lumipas man ang panahon ay tiyak na mananatili iyon sa kaniyang sasakyan at maaari pang makita ng kaniyang anak paglaki nito.

Tunay nga na marami pa ring mag bagay sa mundo ang hindi mabibili ng pera. Maaari din na hindi ito katanggap-tanggap sa iilan ngunit para sa iilan sa atin, ito ay talagang natatangi at kamangha-mangha. Ikaw, ano ang gagawin mo kung sa iyo ito mangyari?