Ama, sinuportahan pa rin ang kaniyang anak sa pagsali nito sa protesta kahit batid nitong ito na ang huling beses na maaari niyang makapiling ang kaniyang anak!

Kung sa Pilipinas ay mapapansin nating laganap ang korapsyon at krimen, sa ibang panig naman ang mundo ay talagang malala na ang giyera at alitan ng mga bansa o di kaya naman tao sa tao na rin ang nagiging labanan. Nakakalungkot mang isipin ngunit dapat sana ay nagtutulungan at nagkakaisa ang bawat mamamayan ng isang bansa ngunit marami pa rin talaga ang uhaw sa kapangyarihan kung kaya naman nagagawa nilang isaalang-alang ang katahimikan at buhay ng bawat isa.

Kamakailan lamang ay talagang marami ang naantig sa kwento na ito ng mag-ama sa Myanmar. Ito ay naibahagi sa ilang social media platform kung saan umani ito ng napakaraming reaksyon at komento mula sa publiko.

Ito ay ang kwento ni Ma Kyal Sin o si Angel kung tawagin ng kaniyang malalapit na kamag-anak at kaibigan. Sa huling mga larawan niya ay makikitang inaasikaso siya ng kaniyang ama, nilagyan ng pulang laso na sumisimbolo sa kaligtasan ng dalaga.

Ang kaniyang ama na si Jimjit ay aakalain mong kampante at panatag para sa kaniyang anak ngunit bilang isang magulang ay talagang kinakabahan siya sa magiging resulta ng protestang lalahukan ng kaniyang anak. Nagkaroon din ng pagkakataon ang mag-ama na mag-selfie sa harapan ng salamin bago pa man umalis si Angel.

Lingid sa kanilang kaalaman ay ito na pala ang huling magiging selfie nilang mag-ama. Dahil sa paglahok ni Angel sa protesta na naganap sa Mandalay, Myanmar ay binawian siya ng buhay.


Natagpuan na lamang ang wala nang buhay na katawan ni Angel sa isang ospital suot ang isang damit na mayroong mga katagang “Everything will be OK.” Talaga namang napakahirap para sa isang ama na makitang wala nang buhay ang kaniyang anak dahil lamang sa giyera na gawa rin ng tao, mga tao sa kanilang bayan!

Sana ay matapos na ang mga ganitong pangyayari na wala rin namang magandang naidudulot kundi ang pagkawala at pagkasayang ng buhay ng mga inosenteng tao na ang nais lamang ay kapayapaan at katahimikan para sa kanilang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *