Aakalain mong namamalik-mata ka dahil sa nakakatakot na hitsura ng kakaibang hayop na ito!

Napakaraming misteryosong bagay at pangyayari ang madalas nating matunghayan sa araw-araw. Mayroong mga nakakatakot, mayroon din namang nakakamangha, at mayroon ding nakakagulat!

Sadyang napakaganda ng mga bagay sa ating paligid, nasa sa atin na lamang talaga kung paano natin mapapansin at mabibigyang halaga ang mga bagay na ito. Kamakailan lamang ay marami ang labis na namangha nang masilayan ang mga larawang ito.

Sa isang puno kasi ay makikita ang isang hayop na tila tatlong ulo ng ahas sa iisang katawan lamang! Sa unang tingin ay talagang kikilabutan ka dahil nakasanayan na nating makakita ng ahas na mayroong iisa lamang na ulo.

Ang kakaibang insekto pala na ito ay hindi isang ahas na maraming ulo bagkus ay isang uri ng paru-paro. Ito ay ang “Atacos Atlas”, na isang paru-paro na mukhang ulo ng mga ahas sa iisang katawan.

Ito rin ang pinakamalaking uri ng paru-paro sa buong mundo. Ayon din sa ilang mga artikulo, ang insektong ito ay isang “Atlas Moth” na “endemic” sa kagubatan sa Asya.

Una na rin daw itong inilarawan ni Carl Linnaeus sa kanyang “10th edition of Systema Naturae” taong 1758. Madalas itong mamataan sa Southeast Asia kabilang na ang Nepal, Northeastern India, Bangladesh, Bhutan, Southeastern China, Laos, Cambodia, Vietnam, at Taiwan.
Maging sa Indonesia at Brunei ay mayroon din nito. Mayroong ilang mga naiulat na specie ng insektong ito sa Pilipinas at Papua New Guinea.

Talaga namang nakakamangha ang ganitong klase ng insekto, maaaring sa unang tingin ay magugulat at matatakot ka ngunit mamangha ka rin dahil sa pambihirang hitsura na ito na hindi mo aakalain na isang insekto pala. Sana ay mas marami pa sa atin ang mabigyan ng pagkakataon na makakita nito at masilayan kung gaano kaganda ang mga hayop at insekto sa ating paligid.

Kahit papaano ay magkakaroon din sila ng inspirasyon upang mas maging maingat at maalaga sa mga hayop.