Showbiz

Sunshine Cruz, ibinahagi ang masakit na karanasan niya sa dati niyang asawa na si Cesar Montano lalo na noong unang gabi pa lamang ng kasal nila noon!



Si Sunshine Cruz ay 43 taong gulang na aktres at singer na mula sa kilalang angkan ng mga Cruz sa showbiz. Talaga naman napanatili pa rin niya ang angkin niyang kagandahan sa paglipas ng ilang mga taon kahit pa nga siya ay isa na ring mommy sa magaganda niyang mga anak na sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Franchesca.

Hindi na rin bago sa publiko ang mga bali-balita patungkol sa masalimuot niyang karanasan sa kaniyang dating asawang si Cesar Montano. Minsan na niya itong ibinahagi sa isa sa kaniyang mga interview.



Ayon sa aktres ay talagang mahal na mahal niya si Cesar. Batid din naman niyang minahal siya nito, naramdaman niyang minahal siya nito noon. Setyembre 14, 2000 nang ikasal silang dalawa, 24 na taong gulang pa lamang siya noon habang 38 naman si Cesar.

Malaki man ang agwat ng kanilang edad ay hindi niya ito alintana dahil sa pagmamahal niya para sa kaniyang asawa. Ito pa nga ang kauna-unahan niyang naging nobyo.


“I know, I know that he really loved me, alam ko yun. Hindi niya ako papakasalan kung hindi niya ako minahal–at mahal na mahal ko siya, talagang I fell for him. Talagang kinilig ako sa kanya lalo na nung pinapanood niya sa akin yung Jose Rizal.” Pahayag ng aktres.



“Parang, shucks, di ba? Nililigawan ako ng isang ganun. He was really charming, napakasimpatiko talaga, e, and saka guwapo naman talaga. ‘Tapos, napakagaling na artista. And yun nga, naniwala lang ako nung sinabi niya na, ‘Sawa na ako sa kalokohan, sa pambababae.” Dagdag pa niya.

Ang inakala niyang “forever” ay unti-unting gumuho ng maramdaman at mapatunayan niyang nambabae ang kaniyang asawa. Una na sa Brazilian model na si Mariana del Rio at kalaunan ay sa leading lady nitong si Krista Miller.

Maliban sa pambabae nito ay nakaranas din siya ng pang-aabuso. Sa katunayan pa nga ay hindi raw niya makakalimutan ang unang gabi nila bilang mag-asawa dahil sa itinapon ni Cesar ang kanilang singsing nang mag-Caribbean cruise sila.

Sa ngayon ay annulled na ang kanilang kasal at masaya na si Sunshine kasama ang tatlo niyang anak at ang kaniyang nobyong si Ismael “Macky” Mathay.