Showbiz

Sue Ramirez kamukhang-kamukha na si Lisa ng Blackpink dahil sa kaniyang napakagandang hairstyle ngayon na kulay “ash blonde”!



Para sa maraming mga kababaihan, ang kanilang buhok ang itinuturing nilang “crowning glory”. Mahaba man o maiksing buhok ay talaga namang nakapagbibigay sa kanila ng kakaibang kompiyansa sa sarili.

Photo credit: Instagram sueannadoodles

Tila ba mas maganda at mas kumpleto ang tingin nila sa kanilang pisikal na anyo kapag maayos at magandang tingnan ang kanilang buhok. Kung sa ibang mga bansa, nais nila ang kulot at mahabang buhok, maraming mga Pilipina naman ang nagnanais ng mahaba at tuwid na buhok.

Dahil dito ay mas marami pang mga kababaihan ang nagpapaayos ng kanilang buhok bago pa man ang mga espesyal na okasyon tulad na lamang halimbawa ng kanilang kaarawan, Pasko, Bagong Taon at lalo na ang pagdiriwang ng “Valentine’s Day”. Kung mahaba at tuwid na buhok ang nais ng karamihan, para naman sa iilan ay mas nais nila ang may karakter na “hairstyle”.



Photo credit: Instagram sueannadoodles

Isa na nga marahil sa mga personalidad na hinahangaan natin sa ngayon dahil sa angkin niyang kagandahan ay ang aktres at singer na si Sue Ramirez. Talaga kasing pinakaaabangan ng kaniyang mga tagahanga ang bago niyang “hairstyle”.

Kung nitong mga nakaraang buwan ay maraming namangha sa kaniyang “blonde hair”, ngayon naman ay “ash blonde” na ang kulay ng kaniyang buhok at mayroon din siyang “wispy bangs”. Nilagyan ni Sue ng caption na “Who dat” ang Instagram post niyang ito.

Photo credit: Instagram lalalalisa_m

Hindi rin niya nakalimutang i-tag ang salon kung saan siya nagpagawa ng ganito kagandang buhook, ang “Moridu Art”. Maraming mga netizens ang nakapansin na malaki ang pagkakamukha ng 24-anyos na Pinay actress sa sikat na miyembro ng Blackpink na si Lisa o si Lalisa Manoban.

Photo credit: Instagram lalalalisa_m

Mayroon din kasi siyang ganitong hairstyle tulad ng kay Sue. Talaga namang mapagkakamalan mo silang dalawa na magkakambal! Kung kaya naman hindi magkamayaw ang maraming mga netizens sa pag-like at pag-comment sa mga larawan na ito ni Sue Ramirez.