Viral

Mister, labis na naging emosyonal nang mabasa ang iniwanang liham ng kaniyang asawa, isang taon matapos itong pumanaw!



Madalas na nating marinig ang mga katagang maiksi lamang ang buhay kung kaya naman dapat ay gawin na natin ang lahat ng mga bagay na nais nating gawin upang wala tayong pagsisihan sa huli. Nakakalungkot man ngunit lahat naman talaga tayo ay papanaw at lilipas din.

Photo credit: Nestor Flores Mangila Jr.

Magkakaiba nga lang ng kadahilanan kung paano tayo masasawi at lilisan sa mundong ito. Tulad na lamang ng inang si Gladys, sa murang edad kasi ay pumanaw ito dahil sa sakit na kanser at naulila ang kaniyang mister na si Nestor Mangila Jr.

Photo credit: Nestor Flores Mangila Jr.

Gayundin ang dalawa nilang mga anak na babae. Labis na pagdadalamhati ang naramdaman ni Nestor sa pagkawala ng kaniyang kabiyak ngunit pinipilit niyang magpakatatag para sa kaniyang mga anak. Ibinahagi din niya sa publiko ang isang liham ng kaniyang asawang si Gladys na hindi niya akalaing matutuklusan niya isang taon makalipas nitong pumanaw.



Photo credit: Nestor Flores Mangila Jr.

Talaga namang hinid naiwasan ni Nestor na maging emosyonal dahil sa mga naging pahayag ng kaniyang yumaong misis. Ayon sa naiwang liham ni Gladys, hindi niya akalaing maaga niyang maiiwan ang kaniyang pamilya ngunit hanggang kaya pa niyang gumawa ng sulat para sa kaniyang pinakamamahal na asawa ay gagawin na niya bago pa mahuli ang lahat.

Photo credit: Nestor Flores Mangila Jr.

Sinabi niya sa kaniyang mister sa liham na gusto niya sanang tanungin ang Diyos kung bakit kailangan niyang lumisan ang maaga ngunit nais din naman niyang ipaubaya na lamang sa Diyos ang lahat. Ayaw man niyang mabigo na naman ang kaniyang mister ay wala na siyang magagawa dahil batid niyang nalalapit na talaga ang panahong kakailanganin na niyang iwanan ang kaniyang asawa at mga anak.

Photo credit: Nestor Flores Mangila Jr.

Ipinaalala din niya sa mister na iwasan ang “stress” at mamuhay ng masaya kahit wala na siya. Ayos lang din daw sa kaniya kung mag-aasawa siyang muli dahil batid naman niyang magkaroon man ng pangalawang ina ang kaniyang mga anak ay nasa puso pa rin nila ang kanilang ina na si Gladys.

Talaga namang hindi naiwasan ng maraming mga netizens ang maluha sa naging pangyayaring ito.