Maraming mga Pilipino ang nagnanais na sumikat at makilala sa industriya ng show business ngunit hindi lahat ay pinapalad. Mayroon din namang iilan na nabibigyan ng pambihirang pagkakataon at talagang pinalad na marating ang rurok ng tagumpay kung saan nakagawa sila ng maraming mga proyekto, nakapagpagawa ng ilang mga bahay at ari-arian, nakabili ng maraming mga sasakyan at nakapagsimula ng ilang mga negosyo.

Ngunit sa kasamaang-palad hindi lahat sila ay naingatan at napanatili ang mga pinaghirapan nilang ito. Maaaring ang ilan sa kanila ay inabuso ang mga bagay na tinatangkilik nila noon o di kaya naman ay nakalimot lamang sila na bigyang pagpapahalaga ang mga bagay na ito hanggang sa tuluyan na itong nawala sa kanila.

Ating silipin at isa-isahin ang mga sikat na artista noon na talagang sumikat ng husto ng kanilang panahon ngunit sa ngayon ay tuluyan nang nawalan ng trabaho sa harap o likod man ng kamera.



MYSTICA


Si Mystica o si Ruby Rose Mauanay Villanueva sa tunay na buhay ay isa sa pinakasikat na sexy actress noong dekada ’80. Nakagawa na siya ng ilang mga pelikula at programa sa telebisyon na naging dahilan upang makapagpundar siya ng ilang mga ari-arian niya at negosyo. Ngunit sa kasamaang-palad ay hindi rin nagtagal anga mga ito. Kamakailan lamang ay nakiusap pa itong mabigyan ang pagkakataong makabalik sa pag-arte sa pamamagitan ng programa ni Coco Martin na “FPJ’s: Ang Probinsiyano”.

JAKE ZYRUS

Si Jake Zyrus o minsan na nating hinangaan bilang si Charice Pempengco noon ay 28 taong gulang singer at television personality. Talaga namang hindi lang sa Pilipinas siya nakilala kundi maging sa ibang bansa. Nakakamangha kasi talaga ang pambihirang talento niya sa pag-awit kung kaya naman maging ang mga dayuhan mula sa ibang bansa ay walang tulak kabigin sa kaniyang kakayahan. Minsan na siyang na-interview sa “The Ellen DeGeneres Show”, “The Oprah Winfrey Show” at ilan pang mga international TV guestings ang kaniyang ginawa. Ngunit simula nang aminin niya ang tunay niyang katauhan sa publiko ay tila unti-unti na ring bumaba ang kaniyang net worth ayon na rin sa kaniyang lola.



BB GANDANGHARI

Ginulat ng aktor at matinee idol na si Rustom Cariño Padilla ang publiko nang umamin siya sa tunay niyang pagkatao. Sa ngayon ay kilala na siya bilang si BB Gandanghari at nakabase na siya sa California kung saan siya nagtatrabaho bilang isang part-time model at Uber driver. Ang mga aktor na sina Robin, Rommel at Royette Padilla ay kaniyang mga kapatid. Dati niyang asawa ang host at aktres na si Carmina Villaroel taong 1994 hanggang 2002.

JOHN WAYNE SACE


Ang 31 taong gulang na si John Wayne Sace ang isa sa mga sikat na aktor at dancer ng kaniyang henerasyon noon. Marami ang kinilig at humanga sa kaniya noon dahil sa angkin niyang karisma at kagwapuhan. Naging katambal rin siya noon ng aktres at dancer na si Maja Salvador. Ngunit lumipas ang ilang mga taon ay hindi na muling nasilayan pa sa pelikula o telebisyon ang aktor. Ayon sa ilang mga ulat ay nalulong ito sa kaniyang bisyo at sa ngayon ay nagsisimulang makabangon para sa kaniyang pamilya.



Tunay nga na hindi biro ang pinagdadaanan natin sa araw-araw. Maaaring mga sikat na artista nga sila noon ngunit tiyak na marami din silang pinagdaanang mga pagsubok.

Kahit pa hindi na sila sobrang sikat tulad ng dati ay talaga namang marami pa rin ang mga sumusuporta at humahanga sa kanila. At kahit pa nga ang ilan sa kanila ay naligaw ng landas, marami pa rin ang nagdarasal na balang araw ay matagpuan din nila ang kanilang hinahanap na kapayapaan sa buhay at muli nating makita ang tunay na kaligayahan sa kanilang mga mata kasama ang mga mahal nila sa buhay.





Previous articleAnak ni Donna Cruz na si Belle Larrazabal, pumukaw sa atensyon ng publiko dahil sa napakaganda nitong mukha tulad ng kaniyang ina noong siya ay dalaga pa lamang!
Next articleKris Aquino, ipinagbili na ang kaniyang bahay sa Greenmeadows at nagbago na rin ang isip sa pagtira sa Boracay!