Malawak at talagang malaki ang mga oportunidad sa show business industry. Hindi lamang mga singer, dancer, modelo, beauty queen, atleta, social media influencer, aktor at aktres ang nabibigyan ng pagkakataong pasukin ang maingay at magulong mundo ng showbiz.

Photo credit: harlene_budol instagram

Ngunit kahit pa nga marami ang nagsasabing hindi biro ang pagpasok sa industriya na ito, marami pa rin ang sumusubok sa kanilang swerte dahil sa talagang mas malaki ang kitaan ang sweldo rito lalo na kung ikaw ay magiging isang sikat na artista o personalidad. Maraming mga paraan kung paano nakakahanap ang mga talent managers at talent scouts ng mga taong malaki ang potensyal na maging isang sikat na personalidad sa hinaharap.

Photo credit: harlene_budol instagram

Halimbawa na lamang ang dalagang minsang naging contestant o kalahok sa isa sa mga segment sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Siya ay walang iba kundi si Herlene Budol o “Hipon Girl” Hindi lamang kasi siya ubod ng seksi at ganda, malakas din ang kaniyang dating at karisma lalo na sa harapan ng maraming mga tao.



Photo credit: harlene_budol instagram

Hindi na nakapagtataka na binigyan siya ng “break” ni Kuya Wil upang mapatunayan ang kaniyang sarili. Naging isa nga siya sa mga co-host ni Kuya Wil sa kaniyang programa na palaging inaabangan ng maraming mga Pilipino.

Photo credit: harlene_budol instagram

Maliban dito ay nabigyan na rin siya ng pagkakataon na ipakita ang kaniyang kakayahan sa pag-arte sa naging pagganap niya sa karakter ng OFW na napamahal sa kaniyang amo sa “Magpakailanman”. Dahil sa kaniyang dedikasyon at pagsusumikap sa trabaho ay nakapagpundar na siya ng sarili nilang bahay, sasakyan at negosyo.

Hindi inaasahan na mabibigyan siya ng ganitong pagkakataon kung kaya naman malaki ang kaniyang pasasalamat sa mga taong nagtiwala sa kaniya at sumuporta. Wala man daw siyang talento at tanging kapal lamang ng mukha ang mayroon siya ay talagang hinangaan at minahal pa rin siya ng mga tao.

Photo credit: harlene_budol instagram

Dahil dito ay mas magiging masipag at desidido pa siya sa kaniyang trabaho.





Previous articleChesca Garcia nagbigay ng ilang payo kung bakit nga ba kailangan pa rin ng mga mag-asawa na mag-date kahit matagal na silang kasal at nagsasama!
Next articleAnak ni Donna Cruz na si Belle Larrazabal, pumukaw sa atensyon ng publiko dahil sa napakaganda nitong mukha tulad ng kaniyang ina noong siya ay dalaga pa lamang!