Viral

Magandang dalaga na mahilig mag-TikTok, bistado na isa palang kabit dahil sa nakita ng misis ng lalaki sa kaniyang mga TikTok videos!



Hindi madaling mag-alaga ng isang pamilya. Tunay nga na isa itong napakagandang biyaya mula sa Diyos ngunit dumarating din ang pagkakataong mapapagod ka na lang dahil sa maraming mga bagay. Tulad nga ng sinasabi ng maraming mga matatanda, ang pag-aasawa ay hindi parang isang bagong lutong kanin na kapag napaso ka ay maaari mong iluwa kahit anong oras mo gustuhin.

Sa oras na nagpakasal ka na ay isa na itong panghabang-buhay na desisyon lalo na sa Pilipinas kung saan walang diborsyo at napakahirap din ng “annulment”. Kamakailan lamang ay dumulog sa tanggapan ni Raffy Tulfo ang isang ginang na kapapanganak pa lamang.



Siyay ay nakilala bilang si Cherry De Guzman. Asawa niya ang kaniyang inirereklamo na si Alexis De Guzman. Mayroon silang tatlong mga anak at ang kanilang bunso ay 3 buwang gulang pa lamang.

Ngunit sa kabila ng pandemya at kondisyon ni Cherry ay nagawa pang maghanap ng kabit ng kaniyang mister. Isang magandang dalaga na mahilig mag-TikTok ang diumano ay kabit ni Alexis.
Isa rin ito sa kanilang mga boarders kung kaya naman ganoon na lamang ang galit ng misis na hindi man lamang sila nagawang dalawin ng kaniyang asawa at inuna pa ang kaniyang pakikipagrelasyon sa kaniyang kabit. Dagdag pa ni Cherry, sa halip na magsustento at magpadala para sa kanilang mga anak ay siya pa ang nagpapadala ng pera dito dahil sa mayroon daw siyang mga sintomas ng COVID.

Ang hindi alam ng misis ay nasa kandungan na pala ito ng ibang babae. Minsang nakapagpadala ang kaniyang mister ng halagang Php2,000 na diumano ay inutang pa nito sa kaniyang ina.



Sagot namaan ng bistadong mister, gustong-gusto niya talagang puntahan ang kaniyang pamilya ngunit hindi niya magawa dahil ayaw siyang payagan ng pamilya ni Cherry. Sagot naman ng misis, kung talagang gusto niya at sinsero siya ay gagawa siya ng paraan upang masilayan ang kaniyang mga anak lalo na ang kanilang bunso na hindi pa niya nakikita o nahahawakan man lamang.

Dahil sa pagmamatigas na ito ni Alexis ay nais siyang kasuhan ng kaniyang asawa katuwang ang mga kaibigan niya na payag tumestigo laban sa hindi matapat na mister.

Source: Youtube