Showbiz

Kris Aquino, ipinagbili na ang kaniyang bahay sa Greenmeadows at nagbago na rin ang isip sa pagtira sa Boracay!



Ang ilan sa pinakamahal na subdivision sa Pilipinas ay ang Dasmarinas Village, Forbes Park, Urdaneta Village, Corinthian Gardens, Greenhills East (San Juan), Greenmeadows (Quezon City at Pasig), Valle Verde (Pasig), Ayala Alabang (Muntinlupa), at Hillsborough Alabang (Muntinlupa). Umaabot sa Php58,000 hanggang Php374,000 ang “lot per Sqm” sa mga subdivisions na ito mula pa noong 2018.

Maraming mga celebrities din ang nakatira sa mga mamahaling lugar na ito. Isa na marahil sa pinakasikat at pinakayamang personalidad sa bansa ang “Queen of All Media” na si Kris Aquino. Ayon sa ilang mga ulat ang kaniyang net worth ay nagkakahalaga na ng $10 million o mahigit 480 million pesos!



Kamakailan lamang ay nagulat ang marami niyang mga tagahanga dahil sa naibenta na niya pala ang kaniyang napakagandang bahay sa Greenmeadows Subdivision sa Quezon City. Dito rin nanirahan sina Kris at ang kaniyang mga anak na sina Josh (25 taong gulang) at Bimby (13 taong gulang) nang halos apat na taon.

Sa ilang mga video na kumakalat ngayon online, ibinahagi ni Kris na wala pa siyang planong magpatayo ng bagong bahay sa ngayon. Ang unang plano niya talaga ay ang magkaroon siya ng isang “beachfront property” sa Boracay.

Nagbago ang kaniyang isip at nagdesisyon siyang manirahan na muna sa isang condo unit sa Metro Manila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino)



“Binenta na po namin yung bahay namin in Greenmeadows in Quezon City nung December 2020. We are just waiting to sign the lease contract—meaning, magre-rent kami ng condo in a different city.” Pahayag ni Kris sa naunang artikulo patungkol sa kanyang plano.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino)

“For my health, we were actually ready, nag-downpayment na ng malaki to lease this villa in Boracay. But yung last blood panel ko, it was not good. Hindi ako pinayagan ng mga doctor ko to go far away. I needed to stay near them.” Dagdag pa ng 50 taong gulang na host at aktres.